Magsimula Muli

·

·

Basahin: Ezekiel 45:9–10, 17–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Genesis 13-15; Mateo 5:1–26

Tigilan nʼyo na ang pagmamalupit at pang-aapi, at gawin ninyo kung ano ang matuwid at tama. — Ezekiel 45:9

Maaring totoo nga ang kasabihang ang pangako ay laging napapako. Mahirap kasing tuparin ang mga ipinangako nating gagawin tuwing magbabagong taon. Kaya naman, may mga taong ginawang katatawanan nalang ang mga ipinangako nila. Tulad halimbawa ng pagpapalista sa paligsahan ng takbuhan pero hindi naman tatakbo. At ang iba naman ay inaalis sa listahan ng kaibigan nila ang mga taong nagpopost na nagpapalakas sila ng katawan. Makikita talaga natin na mahalaga ang makapagsimula muli para magawa ang nais nating mangyari.

Ninanais din namang makapagsimula muli ng mga Israelitang bihag noon. Matagal na panahon na kasi silang bihag ng ibang bansa. Kaya naman, pinalakas ng Dios ang loob ng mga Israelita sa pamamagitan ni Propeta Ezekiel. Sinabi ng Panginoong Dios, “Kahahabagan Ko na ang mga mamamayan ng Israel, ang lahi ni Jacob. Muli ko silang pauunlarin, para maparangalan ang banal kong pangalan” (Ezekiel 39:25).

Pero kailangang magsimula muli ng bansang Israel na sumunod sa mga iniuutos ng Dios sa kanila noong nabubuhay pa ang Propetang si Moises. Kasama roon ang paggunita nila sa kanilang pagdiriwang tuwing magbabago ang taon (Ezekiel 45:18). Ang pinakalayunin kasi ng kanilang pagdiriwang ay upang alalahanin ang magagandang katangian ng Dios at ang mga ninanais Niya. Sinabi ni Ezekiel sa pinuno ng Israel, “Tama na ang ginagawa ninyo. Tigilan nʼyo na ang pagmamalupit at pang-aapi, at gawin ninyo kung ano ang matuwid at tama” (Tal. 9-10).

May matutunan din naman tayo sa sinabing ito ni Ezekiel. Kailangan nating magsimulang muli at sanayin ang pagtitiwala sa Dios (Santiago 2:17). Nang sa gayon, tatatag ang ating pananampalataya sa Kanya. Ngayong bagong taon, mamuhay nawa tayo ayon sa nais ng Dios at magsimulang muling sanayin ang utos ng Dios: Mahalin mo ang Panginoon mong Dios at mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong pagmamahal sa iyong sarili (Mateo 22:37-39).

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links