Lumapit Sa Kanya

·

·

Basahin: Leviticus 16:1–5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Genesis 20-22 Mateo 6:19–34

Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag siyang papasok sa Pinakabanal na Lugar sa kabila ng tabing, sa anumang oras na naisin niya. — Leviticus 16:2

Noong panahon ng nagsisimula ang coronavirus, naging mahirap ang mga patakaran sa bangko para makuha mo ang iyong dineposito sa kanila. Kailangan mo munang tumawag sa bangko para malaman kung puwede ba sila. At kung nandoon ka na, kailangan mong magpakita ng I.D. at magsuot ng isang uri ng damit upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Pagkatapos nito ay saka ka pa lang papasukin. Kung hindi mo ito susundin, hindi ka makakapasok.
Sa Lumang Tipan naman ng Biblia, may mga pakataran din na dapat sundin ang mga tao para makapasok sa Dakong Kabanal- banalan ng tabernakulo ng Dios (Exodus 26:33). Tanging ang punong pari lamang ang makakapasok kada taon sa makapal na kurtina na naghahati sa Dakong Banal at sa Dakong Kabanal- banalan (Hebreo 9:7).

Si Aaron na lingkod ng Dios at ang mga punong pari ay kinakailangang magdala ng handog, maligo at magsuot ng espesyal na damit bago makapasok sa lugar na iyon (Leviticus 16:3-4). Hindi naman tungkol sa kalusugan o seguridad ng mga papasok ang patakarang ito na ginawa ng Dios. Sa halip, para turuan ang mga Israelita na banal ang Dios at tayong mga makasalanan ay nangangailangan ng kapatawaran.

Noong panahon naman na namatay ang Panginoong Jesus sa krus, nahati ang makapal na kurtina na naghahati sa Dakong Banal at Dakong Kabanal-banal. Simbolo ito na ang sinumang magtitiwala kay Jesus ay makakalapit sa presensya ng Dios. Nagpapahayag rin ito ng walang hanggang kagalakan dahil makakasama natin ang Dios lagi.

Paano nakapagbigay sa iyo ng kagalakan ang katotohanang ito?

Isinulat ni Kirsten Holmberg 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links