Nakakatawang Paglalaan
Basahin: Jeremias 32:6–15 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Genesis 31-32 Mateo 9:18–38
Alam kong kalooban ito ng Panginoon, kaya binili ko ang bukid na iyon. — Jeremias 32:8–9
Noong 1929, bumagsak ang ekonomiya ng bansang Amerika. Milyun-milyong tao ang nawalan ng kabuhayan. Kabilaan din ang mga tao noon sa pagbebenta ng kani-kanilang ari-arian. Pero si Floyd Odlum, parang nakakatawang pinagbibili ayon sa kanyang kakayanan ang mga ari-arian na ito. Kahit alam niyang bagsak ang ekonomiya ng kanilang bansa. Gayon pa man, ang parang kahangalan na kilos na ito ni Odlum ang nagdala sa kanya sa katagumpayan.
Sa Lumang Tipan naman noon ng Biblia, inutusan ng Dios si Propeta Jeremias na bumili ng lupa sa lupain ni Benjamin (Jeremias 32:8). Ang parang nakakatawa lang dito ay ito rin ang panahon na sasalakayin ng bansang Babylonia ang lupaing iyon at kukunin ang buong lupain (Tal. 2). Kaya naman, walang saysay kung bibilhin pa ito ni Jeremias.
Dios na mapagmahal, maraming salamat po dahi nakikita N’yo ang mangyayari sa hinaharap.
Gayon pa man, walang nakapigil kay Jeremias sa pagbili nito. Nakikinig at lubos siyang nagtitiwala sa Dios na nakakakita ng mangyayari sa hinaharap. Sinabi ng Dios, “Sapagkat darating ang araw na muling magbibilihan ng mga ari-arian ang mga tao sa lugar na ito. Magbibilihan sila ng mga bahay, mga bukid, at mga ubasan. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, ang nagsasabi nito” (Tal. 15).
Nakikita ng Dios ang kaayusan hindi pa man natatapos ang kaguluhan. Nakikita Niya ang katagumpayan kahit hindi ka pa tapos sa laban. Nangako ang Dios sa lahat ng nagtitiwala sa Kanya. Ililigtas sila ng Dios at muling pagtatagumpayin. Kaya hindi nakakatawa o kahangalan ang maglaan ng pera, lakas at panahon para sa Dios. Ito ang pinakamatalino mong desisyon na magagawa sa buhay mo.
Saan ka pinapapunta ng Dios ngayon para maglaan ng panahon, pera at lakas?
Isinulat ni Winn Collier
Leave a Reply