Buhay Mula Sa Kamatayan

·

·

Buhay Mula Sa Kamatayan

Basahin: Exodus 12:5–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Genesis 36-38 Mateo 10:21–42

Kapag nakita Ko ang dugo, lalampasan Ko ang bahay ninyo, at walang salot na sasapit sa inyo. — Exodus 12:13

Nakikipaglaban sa sakit na cancer si Carl. Kailangan niya ng bagong baga na maililipat sa kanyang katawan. Pero, hindi maganda ang pakiramdam ni Carl tungkol dito. Naiisip niya kasi habang nananalangin na kailangang may mamatay para mabuhay siya.

Ang katotohanang ito ay makikita rin naman sa Biblia. Ginagamit ng Dios ang kamatayan para bigyan tayo ng buhay. Makikita natin ito sa kuwento ng paglaya ng mga Israelita sa bansang Egipto. Dahil ayaw noon palayain ng Paraon ang mga inalipin na Israelita, ang Dios na mismo ang kumilos. Sinabi ng Dios na mamamatay ang lahat ng panganay na anak na lalaki sa lupain ng Egipto. Maliban nalang kung maglalagay ng dugo ng tupa na walang kapintasan sa bawat hamba ng pintuan ang mga tao (Exodus 12:6-7, 12-13).

Sa panahon naman natin ngayon, lahat tayo ay mga alipin ng kasalanan. Hindi tayo palalayain ni Satanas mula rito. Kaya naman, ang Dios na mismo ang kumilos para sa atin. Inialay Niya ang Kanyang perpektong Anak. Namatay si Jesus sa krus at nabuhos ang Kanyang dugo sa ikaliligtas ng lahat ng magtitiwala sa Kanya.

Hinihikayat naman tayo ni Jesus na magtiwala tayo sa Kanya. sinabi ni Apostol Pablo, “Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na” (Galacia 2:20). Kung magtitiwala tayo kay Jesus, dapat mamatay na ang pagkatao natin na nagnanais na magkasala. At magkaroon ng bagong buhay na nakaayon sa kalooban ng Dios (Roma 6:4-5). Ipinapahayag natin ang pagtitiwalang ito sa Dios sa tuwing nagdedesisyon tayo na hindi gagawa ng kasalanan.

Isinulat ni Mike Wittmer

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Buhay Mula Sa Kamatayan”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Dugo ng tupang walang bahid kapintasan – Patayin ninyo ang tupa, at ipahid ang dugo at kapag makita Ko ito’y lalampasan kayo ng hagupit ng kamatayan.

    Marami sa atin ang nakakaalam nitong bible story na ito. Subalit sapat ba ang ating nalalaman? Sapat ba ang ating pang-unawa? Si Jesus ang tupang walang bahid kapintasan na ating ipinako sa krus. Tayong mga makasalanan ang humatol sa Kanya, subalit sa Kanyang pagmamahal, ay inalay Nya ang Kanyang buhay. Gaano natin pinapahalagahan ang dugo ng ating Panginoon upang tayo’y iligtas sa kasalanan?

    Maaring sinasabi natin na tinanggap na natin si Jesus sa atin buhay. Maaring tayo ay gumaganap ng katungkulan sa Church. Subalit isang challenge sa atin na suriin natin ang ating puso at tiyakin na hindi natin pinapawalang halaga ang dugo ng ating Panginoon Jesus.

    Tayo ay naligtas sa pagkakasala hindi dahil sa ating gawa, kundi dahil sa dugo ng ating Panginoon. Namatay Sya upang ibigay Nya ang Kanyang dugo para sa ikalilinis ng ating kasalanan. Kaya dapat natin itong pahalagahan. Pagpapahalaga sa pamamagitan ng pamumuhay na ayon sa Kanyang nais.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links