Harapin Ang Pagsubok
Basahin: Hebreo 12:1–3, 12–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Genesis 41-42 Mateo 12:1–23
Ituon natin ang ating paningin kay Jesus…para hindi kayo panghinaan ng loob. — Hebreo 12:2–3
May malakas na bagyo noong gabi ng Abril 3, 1968 sa Memphis, Tennessee sa bansang Amerika. Pero hindi ito naging hadlang para pumunta sa simbahan ang mga manggagawa na inaaapi sa kanilang trabaho. Kaya naman, nakatanggap ng tawag si Dr. Martin Luther King Jr. At kahit bumabagyo ay pumunta rin siya kung saan nagtitipon ang mga manggagawa. Nagpahayag siya sa loob ng apatnapung minuto sa grupong ito. Sabi ng iba na ito raw ang pinakamahusay na paghahayag na ginawa ni Martin.
Pero kinabukasan noon, binaril at namatay si Martin. Pero ang kanyang mga ipinahayag ay nananatiling nagbibigay ng inspirasyon sa mga taong naaapi. Gayon din naman, lumalakas ang loob ng mga taong nagtitiwala kay Jesus sa ipinahayag mismo sa Biblia. Ang Aklat ng Hebreo ay isinulat para palakasin ang loob ng mga Israelitang sumasampalataya kay Jesus nang sa gayon hindi sila panghihinaan ng loob at mawawalan ng pag-asa (12:12). Bilang mga Israelita, alam na alam nila ang sinabing iyon dahil mismong sinabi iyon ni Propeta Isaias sa kanila (Isaias 35:3).
Panginoong Jesus, tulungan N’yo po ako sa panahon na humaharap ako sa matitinding pagsubok sa buhay.
Pero ngayon naman, bilang mga mananampalataya ni Jesus hinihikayat tayo ni Jesus na “Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na Siyang sandigan ng pananampalataya” (Hebreo 12:1-2). Kung gagawin natin ito, hindi tayo panghihinaan ng loob (Tal.3).
Tiyak na darating ang mga mabibigat na problema sa buhay. Gayon pa man, makakayanan natin itong malampasan kung magtitiwala tayo kay Jesus.
Paano lumalakas ang iyong loob sa pangako ng Dios na lagi mo Siyang kasama?
Isinulat ni Patricia Raybon
Leave a Reply