Perpekto Tulad Ni Cristo
Basahin: Mateo 19:16–26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Exodus 21-22; Mateo 19
Kaya dapat kayong maging ganap, tulad ng inyong Amang nasa langit. — Mateo 5:48
Sinabi ng manunulat na si Kathleen Norris na ang pagnanais na maging perpekto ang lahat o perfectionism ang isa sa nakakatakot na salita sa mundo ngayon. Iba ito sa salitang perpekto na binanggit sa Aklat ni Mateo sa Biblia. Ang perfectionism kasi ngayon ay nag-uudyok sa mga tao na gumawa na walang anumang dulot na kawalan sa kanilang sarili. Pero ang binanggit sa Mateo na perpekto ay tumutukoy sa pagiging ganap, kumpleto o buong buo. Sinabi ni Kathleen, para raw maging perpekto, kailangan nating maging ganap at kumpleto upang maging handa tayong ibigay ang ating buong sarili sa iba.
Ang pagkaunawa tungkol sa pagiging perpekto ay makakatulong kung paano natin uunawain ang sinabi sa Mateo 19. Ikinuwento roon ang pagtatanong ng isang lalaki kung paano magkakaroon ng buhay na walang hanggan ang isang tao (Tal. 16). Sumagot naman si Jesus, na dapat sundin ang utos ng Dios (Tal. 17). Iniisip ng lalaki na nagawa na niyang lahat ang utos ng Dios, pero alam ng lalaki na parang may kulang pa sa kanyang ginagawa. Kaya muli siyang nagtanong, “Ano po ang kailangan ko pang gawin” (Tal. 20).
Mapagmahal na Dios, patawarin N’yo po ako sa panahon na sa sariling kakayahan ako nagtitiwala.
Doon naman sinabi ni Jesus na ang kayamanan niya ang pumipigil sa kanya palapit sa Dios. Sumagot si Jesus, “Kung nais mong maging ganap sa harap ng Dios, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa Akin” (Tal. 21). Naging mahirap iyon para sa lalaki na sundin.
Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang paraan para maging perpekto. Para sa iba, perpekto na sila kung nasa kanila na ang lahat at nakokontrol nila ang lahat. Hinihikayat tayo ni Jesus, na magtiwala sa Kanya at maging ganap sa pamamagitan lamang ni Jesus (Tal. 26).
Isinulat ni Monica La Rose
Leave a Reply