Alam ng sumulat ng Salmo ang pinagdaraanan nating lahat. Kaya nga, siya na mismo ang nagsabi at nagtanong nito sa Dios. Tulad naman ng isang magulang, pinakinggan ng Dios si Haring David sa kanyang dalangin at tinugon ito (Tal. 9). Hindi nakakahiya ang pagtatanong. Kaya naman, makakalapit tayo sa Dios nang may buong pagtitiwala sa Kanya. Iiyak natin sa Kanya ang lahat ng ating alalahanin. Maaaring ang sagot ng Dios, “Maghintay ka lang, darating din ang tugon. Magtiwala ka lang sa Akin.”

Nababalisa ka ba ngayon at natatanong kung kailan ka ba tutugunin ng Dios sa iyong idinadalangin?