Kamangha-manghang Pagtulong
Basahin: Salmo 147:8–17 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Exodus 31-33; Mateo 22:1–22
Inilalatag Niya sa lupa ang nyebe na parang mga puting kumot. — Salmo 147:16
Pinakamapinsala ang sunog na nangyaring sa kabundukan ng Colorado noong 2020. Tinupok ng apoy ang isandaang libong ektarya ng kagubatan. Gayundin, ang tatlong daang bahay, at nagdulot ito ng takot na baka umabot pa sa lungsod. Kaya, humanga ang sheriff sa libu-libo o marahil milyun-milyong panalangin na nais ipaabot ng mga tao sa Dios para humingi ng tulong. Sa gayon, maapula ang apoy.
Nagalak ang lahat nang dumating ang “kaloob ng Dios.” Hindi, ulan. Sa halip, hindi napapanahong pag-ulan ng snow. Dumating nang maaga para sa taon na iyon ang snow na isang talampakan o higit pa. Pumatak ang snow sa lugar na may apoy pa. Pinabagal din nito ang pagkalat ng apoy at sa ilang lugar ay tuluyan itong naapula .
Panginoon, salamat po sa Inyong pagtulong sa akin na magtiwala sa Inyong kapangyarihan.
Tunay na kamangha-mangha ang natanggap nilang tulong . Naririnig kaya ng Dios ang ating mga panalangin? Sinabi naman sa Biblia ang mga kasagutan ng Dios, kabilang dito ang sagot sa kahilingan ni Propeta Elias sa ulan (1 Hari 18:41-46). Isang lingkod si Elias, na may lubos na pagtitiwala at pagkaunawa sa lawak ng kapangyarihan ng Dios, kabilang na ang panahon. Gaya ng nakatala sa Awit 147, “lupa’y dinidilig ng saganang tubig-ulan” (Tal. 8 MBB) “Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak…na ang lamig di matiis kahit sino (Tal. 16-17 MBB).
Ayon pa sa 1 Hari 18:41, narinig ni Elias ang tunog ng “malakas na ulan” bago pa man mabuo ang mga ulap. Ganoon kalakas ang ating pagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan. Kaya naman, nais ng Dios na magtiwala tayo sa Kanyang sagot. Makakaasa tayo sa Kanyang kamangha-manghang pagtulong.
Paano nakatulong sa iyong pagtitiwala sa Dios, ang ginawa Niyang pagtulong sa iyo?
Isinulat ni Patricia Raybon
Leave a Reply