Mahimbing Na Tulog

·

·

Mahimbing Na Tulog

Basahin: Kawikaan 3:19–24 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Exodus 39–40; Mateo 23:23–39

Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan. — Kawikaan 3:24

Sa mga gabing hindi kaagad nakakatulog ang kaibigan kong si Floss, inaalala niya ang kantang “My Jesus I Love Thee.” Dahil ayon sa kanya nakakatulong ang kanta na maalala niya ang mga pangako ng Dios. Gayundin ang iba pang dahilan kung bakit mahal niya ang Dios.

Napakahalaga ng tulog para sa atin, ngunit minsan talaga mailap ito sa atin. Kaya naman mayroong mga pagkakataon na nararamdaman natin na pinapaalaala sa atin ng Banal na Espiritu ang ating mga nakatagong kasalanan. Gayundin, nag-aalala tayo sa ating trabaho, pakikisama sa iba, mga gastusin, kalusugan, at ating mga anak. Napapaisip tuloy tayo ng kung anu-ano. Dahil dito, hindi na natin namamalayan ang oras.

Ganito naman ang sinabi ni Haring Solomon sa Kawikaan 3:19- 24, para magkakaroon tayo ng mahimbing tulog. Tanggapin daw natin ang mga karunungan at katalinuhan ng Dios sa ating buhay. Sinabi pa ni Solomon, “Sapagkat ito ang magbibigay sa iyo ng mahaba at magandang buhay. Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan” (Tal. 22, 24).

Baka tulad ni Floss kailangan din natin ang pang-gabing kanta, panalangin, o talata sa Biblia, na tutulong sa atin na ituon sa Dios ang magulo nating isipan. Maghahatid naman ng matamis at mahimbing na tulog sa atin ang pagkakaroon ng malinis na puso na puno ng pasasalamat para sa katapatan at pag-ibig ng Dios sa atin.

Anong kanta, panalangin, o talata sa Biblia ang dapat nating gamitin para maituon natin ang ating atensyon sa Dios?

Isinulat ni Cindy Hess Kasper 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Mahimbing Na Tulog”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Karaniwan na sa akin na masarap matulog. Pero may araw na magulo ang isip ko kaya mahirap makatulog ng mahimbing. Kaya naman magulo ang isip ko ay dahil sa puno ako ng worries, ng mga bagay na hindi ko maunawaan, ng mga bagay na hindi ko kayang gawin, at pilit ko iniisip kung anu ang dapat kong gawin. Sa mga pagkakataon na ito, kung hindi natin ibibigay sa Panginoon ang lahat ng mga alalahanin natin sa buhay, kaguluhan ng pag iisip ang makukuha natin. Dapat ay magtiwala tayo sa Kanya. Pagiging tao ang may mga pag aalala, subalit ang pagiging Kristiano ay umaasa sa pagibig at karunungan ng Diyos at isinusuko ang lahat sa Kanya. Ang sumusuko sa Panginoon ay tiyak na makakamit ang kapayapaan.

    Lord, sa mga oras na ako’y naguguluhan, paalalahanan Nyo ako Lord na kailangan kong isuko sa Inyo ang aking mga bitbit.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links