Bagong Simula

·

·

Bagong Simula

Basahin: 2 Corinto 5:16–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Leviticus 8–10; Mateo 25:31–46

Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang . Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. — 2 Corinto 5:17

Sama-samang ipinagdiriwang ng mga pamilyang Tsino ang Bagong Taon. Panahon din namin ito upang sundin ang aming kaugalian. Tulad ng pagbili at pagsusuot ng bagong damit, paglilinis ng bahay, at pagbabayad ng utang. Ito ang nagpapa- alala sa amin na maaari na naming kalimutan ang nakaraan at magsimula ng bagong buhay sa bagong taon.

Ipinaalala rin sa akin ng mga kaugalian ito ang bagong buhay na mayroon ako kasama ang Cristo. Dahil kahit ano pa tayo at kung anuman ang ating nagawa noon, maaari na natin itong talikuran. Maaari natin itong gawain sapagkat pinatawad na tayo sa ating mga kasalanan noong namatay si Jesus sa krus. Maaari tayong magsimulang muli, dahil maaasahan nating tutulungan tayo ng Banal na Espiritu upang maging tulad tayo ni Jesus.

Ganito ang ipinaalala ni Apostol Pablo sa mga nagtitiwala, “wala na ang dati niyang pagkatao, binago na siya” (2 Corinto 5:17). Dahil sa katotohanang: “Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa Kanya sa pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan” (Tal. 19).

Marami sa mga taong nakapaligid sa atin ay hindi pa rin nakakalimutan ang mga bagay na nagawa natin noon. Subalit isapuso sana natin na sa mata ng Dios hindi na tayo makasalanan (Roma 8:1). Sinabi nga ni Apostol Pablo “Kung ang Dios ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?” (Tal. 31 MBB). Magdiwang tayo sa bagong simula na ipinagkaloob ng Dios sa atin sa pamamagitan ni Jesus.

Paano mo mahihikayat ang mga bagong nagtitiwala na magsimula ng bagong buhay?

Isinulat ni Leslie Koh

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links