Pananampalataya

·

·

Pananampalataya

Basahin: 1 Samuel 17:32, 40–47 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Leviticus 13; Mateo 26:26–50

Sapagkat namumuhay tayo sa pananampalataya at hindi ayon sa mga bagay na nakikita. — 2 Corinto 5:7

Habang naglalakad, nakaranas si Gary ang pagkawala ng kanyang balanse. Inutusan siya ng kanyang doktor na sumailalim sa isang therapy upang maisaayos ang kanyang balanse. Sa isang pag-eensayo ni Gary sinabihan siya ng kanyang therapist, na “Masyado kang nagtitiwala sa nakikita mo, kahit mali ito. Hindi ka marunong umasa sa ibang parte ng katawan mo na makakatulong sa iyo upang maging balanse ka.”

Ang pangungusap na “Masyado kang nagtitiwala sa nakikita mo” ang nagpaalala sa akin ng kuwento ng pagtatagpo ng batang pastol na si David at ni Goliat. Sa loob ng apatnapung araw, “paulit- ulit na hinahamon ni Goliat ang mga Israelita” na magpadala ng maaaring lumaban sa kanya (1 Samuel 17:16). Ngunit dahil sa nakita ng mga tao, natural na natakot sila. Dumating naman si David sa kampo, dahil inutusan siya ng kanyang ama na magdala ng pagkain para sa kanyang mga kapatid (Tal.18).

Paano tiningnan ni David ang pangyayari? Tiningnan niya ito ng may pagtitiwala sa Dios, hindi sa kung ano ang nakita niya. Nakita niya ang higante ngunit nagtiwala siya Dios na ililigtas siya Nito at ang Kanyang hukbo. Kahit bata pa si David, sinabi niya kay Haring Saulo na “Hindi po tayo dapat masiraan ng loob dahil lang sa Filisteong iyon. Ako po ang lalaban sa kanya.” (Tal. 32 MBB). Sinabi pa niya kay Goliat “Sapagkat ang Panginoon ang makikipaglaban at ibibigay Niya kayong lahat sa amin” (Tal. 47). Ito nga ang ginawa ng Dios.

Magtiwala tayo sa katangian at kapangyarihan ng Dios dahil tutulungan Niya tayong mamuhay ng may pagtitiwala sa Kanya.

Ano ang kahulugan sa iyo ng magtiwala sa Dios?

Isinulat ni Anne Cetas

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Pananampalataya”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    David versus Goliath! And David triumphs because of his faith in God.
    I have so many so-called goliaths in my life – things that discourages me in life, worries, trials, health, and even my current situation I am at. Have I ever shouted it loud to myself “I have a big God who will fight for my battles”? At present, I know i am winning my battles, I lose some, but oftentimes, I am winning. Did I won just because I think I am good? Sometimes, my answer is yes, i did it myself. Well, that’s too proud of me. And I thank God for giving me such understanding for me to see my mistakes that I am too proud. On those days that I am disheartened, i see goliath and not God. It is because I put too much trust on myself on what i can do and, on the other hand, I fear goliath because I know I have nothing to defeat goliath. What did I miss here? I failed to recognize Him that He will protect me and win all my battles. So now I am praying to You, Lord, please help me and teach me to surrender my fears and to put my trust to You. Those battles that I won…. thank You Lord for winning it for me. These current battles that I have, I will put my trust in You… and will claim victory because You have already won all battles at the cross. Help me Lord and hold me tight with Your promises.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links