Matalinong Pagpapayo
Basahin: Kawikaan 6:20–23 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Leviticus 19-20; Mateo 27:51–66
Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo. — Kawikaan 12:15
Noong 2019, nasunog ang Notre-Dame Cathedral sa Paris. Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ito sa kahoy. Hindi agad naapula ang apoy kaya umabot ang sunog sa tore ng katedral. Dito natuon ang pansin ng lahat, dahil kung masusunog ang tore, tuluyan ng masisira ang katedral.
Pinalayo muna ni Heneral Gallet, pinuno ng mga bumbero, ang kanyang mga tauhan sa simbahan. Nag-isip siya kung ano ang dapat na gawin. Lumapit kay Gallet si Remi isa sa kanyang mga tauhan. Sinabi ni Remi, “Heneral, nais ko pong sabihin na ilagay natin ang mga hose sa labas ng tore.” Ngunit dahil marupok na ang gusali, pinawalang-bisa ng heneral ang ideya. Hindi nagtagal, hinarap ni Heneral Gallet ang isang desisyon: sundin ang payo ng kanyang bumbero o hayaang bumagsak ang tore ng katedral.
Ama, bigyan Mo po ako ng kababaang-loob na tumanggap ng mabuting payo mula sa iba.
Maraming naman tayong mababasa sa Kasulatan tungkol sa pagtanggap ng payo. Isa na rito ang dapat gumalang ang kabataan sa matatanda (Kawikaan 6:20-23), na karamihan ay hindi ginagawa. Sinabi sa Kawikaan, “ang taong marunong ay nakikinig sa payo” (12:15), dahil ang digmaa’y naipagtatagumpay ng mabuting payo (24:6), at ang akala ng hangal ay palagi siyang tama (12:15). Sapagkat, nakikinig sa mabuting payo, ang matatalinong tao, anuman ang edad ng nagbibigay nito.
Pinakinggan ni Heneral Gallet ang payo ni Remi. Kaya naman, naisalba ang nasusunog na katedral sa tamang oras. Ano naman ngayon, ang pinagdadaan mo na kailangan ng payo? Ginagabayan ng Dios ang mapagpakumbaba sa pamamagitan ng bata.
Sa anong sitwasyon sa iyong buhay na nahihirapan kang makinig sa payo ng iba?
Isinulat ni Sheridan Voysey
Leave a Reply