Mahalin Sila
Basahin: Colosas 4:7–10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Bilang 4-6; Marcos 4:1–20
Malugod ninyo siyang tanggapin pagdating niya riyan. — Colosas 4:10 MBB
Magkaiba man ang ugali nina Amos at Danny, naging magkaibigan pa rin sila. Palakaibigan na may pagka-dominante si Amos, samantalang nais lang ni Danny na laging mapag-isa. Sampung taon naging magkaibigan ang dalawa. Ngunit, napagod si Danny sa mga makasariling pamamaraan ni Amos. Kaya, sinabihan niya ang huli na hindi na sila magkaibigan. Tatlong araw ang lumipas, tumawag si Amos kay Danny. Ibinalita ni Amos sa kanya na mayroon itong cancer at hindi na magtatagal ang buhay niya. Nalungkot si Danny. Sinabi niya “Kahit ano pang isipin mo, magkaibigan tayo.”
Parang ganito rin sina Apostol Pablo at Bernabe. Nakatuon lang sa paglilingkod at sa mga pangarap niya si Pablo, samantalang may malambot na puso naman si Bernabe. Ngunit, pinagsama sila ng Espiritu at isinugo sa paglalakbay bilang misyonero (Gawa 13:2-3). Nangaral sila at nagtayo ng mga simbahan. Hindi lang sila nagkasundo, noong igiiit ni Bernabe na bigyan ng pangalawang pagkakataon si Marcos, sa ginawa nitong pag-iwan sa kanila. Hindi pumayag dito si Pablo. Kaya naghiwalay sila (15:36-41).
Ama, tulungan Mo po akong makita na ang layunin ng buhay ay magpaabot ng pagmamahal sa mga tao.
Sa huli pinatawad din ni Pablo si Marcos. Sumulat pa siya ng mga pagbati at papuri para kay Marcos (Colosas 4:10; 2 Timoteo 4:11; Filemon 1:24). Hindi naman natin alam kung ano ang nangyari kay Bernabe. Nabuhay kaya siya nang matagal at makipagkasundo pa kay Pablo? Umaasa ako.
Anuman ang iyong kalagayan ngayon, subukan mong makipagsundo sa mga taong iyong nakasamaan ng loob. Ito na ang oras para sabihin mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal.
Kanino mo kailangang makipagsundo ngayon?
Isinulat ni Mike Wittmer
Leave a Reply