Pananampalatayang ’di Natitinag

·

·

Pananampalatayang ’di Natitinag

Basahin: Mateo 6:19–24 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Bilang 31-33; Marcos 9:1–29

Ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag- aari. — Lucas 12:15

Pumunta si Kevin sa nursing facility pagkamatay ng tatay niya para kuhanin ang mga gamit nito. Inabot sa kanya ng staff ang dalawang maliit na kahon. Nalaman niya nang araw na iyon na hindi kailangan ng pagkarami-raming ari-arian para maging masaya.

Masayahin ang tatay ni Kevin na si Larry at lagi itong may ngiti at magagandang mga salita para sa iba. Ang dahilan ng kasiyahan niya ay ibang “ari-arian” na hindi kakasya sa kahon: isang di-natitinag na pananampalataya sa kanyang Tagapagligtas, si Jesus.

HInihikayat tayo ni Jesus na “mag-ipon ng kayamanan sa langit” (Mateo 6:20). Hindi niya sinabing bawal tayong magkabahay, magkakotse, o mag-ipon para sa kinabukasan. Pero inudyukan Niya tayo na tingnan ang ninanais ng puso natin. Saan ba nakatuon si Larry? Nakatuon siya sa pagmamahal sa Dios sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba. Nag-aakyat-baba siya sa mga pasilyo kung saan siya nakatira, bumabati at nagpapalakas-loob sa mga nakakasalubong niya. Kung may umiiyak, aaliwin niya at pakikinggan, o ipapanalangin. Nakatuon ang isip niya sa pamumuhay para sa karangalan ng Dios at sa ikabubuti ng iba.

Maaari nating tanungin ang sarili kung magiging masaya ba tayo kung kaunti lang ang mga bagay na nakakalat at humahadlang sa mga mas importanteng bagay gaya ng pagmamahal sa Dios at sa iba. “Kung nasaaan ang iyong kayamanan, naroon din ang inyong puso” (Tal. 21). Masasalamin sa buhay natin kung ano ang pinapahalagahan natin.

Isinulat ni Anne Cetas

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Pananampalatayang ’di Natitinag”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Sa ngayon, isang malaking tinik sa akin ang paghahangad ng higit pa sa meron ako. Sa tuwing naghahangad ako, lagi na lang kabiguan ang nararating ko. Sinabi ng asawa ko sa akin, “meron na tayong sapat at kailangan lang natin magtiwala sa Panginoon dahil hindi Nya tayo pagkukulangin”. Sa ganitong bagay ako madalas naliligaw ng landas. Kapag nahaharap na ako sa mga materyal na bagay, naghahangad ako. Isang pagpapala ng Panginoon na binuksan Nya ang pang-unawa ko. At dalangin ko na sa mga susunod na pagkakataon, unahin kong magtiwala sa Kanya. Imbes na mag ipon na kayamanan sa mundo, uunahin kong mag ipon ng kayamanan sa langit. Ito’y hindi biro gawin, dahil kailangan kong baguhin ang puso ko. Lord, ipinapanalangin ko ngayon na tulungan Nyo ako sa itama ang puso ko na hwuag maghangad ng materyal na bagay kundi ang mag ipon ng yaman sa langit.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links