Nawala Sa Nakaraan

·

·

Nawala Sa Nakaraan

Basahin: Exodus 39:1–7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Josue 7-9; Lucas 1:21–38

Ang lahat ng gustong maghandog sa Panginoon ay nagdala ng mga materyales na gagamitin. — Exodus 35:21

Minsan, nagalit si King Yeojo (1694-1776) ng Korea sa korapsyon sa kaharian niya kaya nagpasya siyang baguhin ang mga bagay-bagay. Ipinagbawal niya ang tradisyonal na sining ng pagbuburda ng gintong sinulid dahil masyado iyong maluho. Hindi nagtagal, nawala na sa nakaraan ang kaalaman tungkol sa masalimuot na prosesong iyon.

Noong 2011, gusto ni Professor Sim Yeon-ok na ibalik ang nawalang tradisyon. Idinikit niya ang gintong dahon sa papel na gawa sa mulberry at ginupit nang maninipis, nagawa niya ang proseso, nabuhay ang isang lumang anyo ng sining.

Sa aklat naman ng Exodus sa Biblia, natutunan natin ang magarbong paraan para itayo ang tabernakulo—kasali ang gintong sinulid para sa damit-pangpari ni Aaron. “Gumawa sila ng sinulid na ginto sa pamamagitan ng pagpitpit sa ginto at paghahati-hati rito nang manipis. Pagkatapos, ibinurda nila ito sa pinong telang linen, kasama ng lanang kulay asul, ube at pula” (Exodo 39:3). Ano ang nangyari sa mga iyon? Naluma na lang ba ang mga tela? Nanakaw? Nauwi bang walang kabuluhan ang mga iyon? Hindi! Bawat aspeto ng pagsisikap ay ginawa dahil binigay ng Dios ang mga tiyak na utos para sa paggawa niyon.

Binigyan ng Dios ang bawat isa sa atin ng gagawin. Maaaring simpleng kabaitan lang iyon—isang bagay na magbabalik sa Kanya habang pinaglilingkuran natin ang isa’t isa. Hindi na natin kailangang malaman kung ano ang mangyayari sa mga pinagsikapan natin (1 Corinto 15:58). Kahit anong bagay na ginawa para sa Ama ay nagiging isang sinulid na umaabot sa walang hanggan.

Isinulat ni Tim Gustafson

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links