Binabago Nito Ang Lahat
Basahin: 1 Corinto 15:12–26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Hukom 11-12; Lucas 6:1–26
Muling nabuhay si Cristo bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. — 1 Corinto 15:20
Kilala si Jaroslav Pelikan na propesor sa Unibersidad ng Yale na si dahil sa malawak na karanasan niya sa pagtuturo. Nakapaglathala siya nang mahigit sa 30 libro at nanalo ng Kluge Prize. Pero ayon sa isang estudyante niya, ang pinakaimportanteng salita ng guro ay iyong sinabi niya noong mamamatay na siya: “Kung nabuhay si Cristo, walang ibang mahalaga. At kung hindi nabuhay si Cristo—walang ibang mahalaga.”
Ganito rin ang paniniwala ni Apostol Pablo: “Kung si Cristoʼy hindi muling nabuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring silbi ang inyong pananampalataya” (1 Corinto 15:14). Sinabi iyon ng apostol dahil naniniwala siya na hindi isang himala lang ang pagkabuhay na muli, ito ang rurok ng pagtubos ng Dios.
O Dios, hayaan Mo pong makita ko kung paano binabago ng muling pagkabuhay ni Jesus ang lahat.
Ang pangako ng pagkabuhay na muli ay hindi lang kasiguruhan na mabubuhay muli si Jesus, kundi ang paniniwala na ang iba pang patay at sirang bagay (gaya ng buhay, relasyon, at iba pa) ay mabubuhay ring muli isang araw sa pamamagitan ni Cristo. Pero kung walang pagkabuhay na muli, alam ni Pablo na malaki ang problema natin. Kung walang pagkabuhay na muli, ibig sabihin, nagwagi ang kamatayan at pagkasira.
Pero siyempre, “Muling nabuhay si Cristo” (Tal. 20). Pinag-tagumpayan ni Jesus ang kamatayan. At si Jesus ang naging “unang bunga” ng lahat ng buhay na susunod. Tinalo Niya ang kasamaan at kamatayan upang mabuhay tayo nang matapang at malaya. Binabago nito ang lahat ng bagay.
Aling bahagi ng buhay mo ang
nangangailangan ng pagkabuhay na muli?
Isinulat ni Winn Collier
Leave a Reply