Away Sa Paradahan

·

·

Away Sa Paradahan

Basahin: Santiago 1:19–27 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Samuel 4-6; Lucas 9:1–17

Huwag lang kayong maging tagapakinig ng Salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito. — Santiago 1:22

May dalawang drayber ng kotse ang nagsisigawan dahil ayaw magpauna ng bawat isa para makadaan. Masasakit na mga salita na ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Ang masama pa rito ay nangyayari ang away na ito sa paradahan ng isang simbahan. Maaaring kakapakinig pa lamang ng mga drayber na ito ng sermon tungkol sa pag-ibig, pagpapaumanhin, o pagpapatawad pero nakalimutan na agad nila ang kanilang napakinggan dahil sa kanilang pagkainis.

Napailing ako nang makita ko ito pero naisip ko na wala akong pinagkaiba sa mga taong ito. Maraming beses na kakabasa ko pa lamang ng Biblia ay kung ano-ano na agad na masasamang kaisipan ang pumapasok sa aking isipan. Maraming beses din na naging katulad ako ng “isang taong tumitingin sa salamin na pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at agad kinakalimutan ang ayos niya” (Santiago 1:23-24).

Sinasabi sa atin ni Apostol Santiago na huwag lamang nating basahin at pagbulayan ang Salita ng Dios kundi sundin din natin ang sinasabi nito (Tal. 22). Binigyang diin ng apostol na kalakip ng tunay na pananampalataya ang pag-aaral ng Biblia at pagsasabuhay ng mga natutunan dito.

Mahirap maisapamuhay ang mga sinasabi ng Biblia dahil na rin sa mga pangyayari sa ating buhay. Subalit kung lalapit tayo sa Dios, tiyak na tutulungan Niya tayong sumunod sa Kanyang Salita at bigyang kaluguran Siya sa ating mga ginagawa.

Ano ang nabasa mo sa Biblia na gagawin mo ngayong araw?

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links