Nais Ng Kausap

·

·

Nais Ng Kausap

Basahin: Colosas 4:2–6 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Samuel 13-14; Lucas 10:1–24

Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya. — Colosas 4:6 ABAB

Noong 2019, inilunsad ng Oxford Bus Company ang tinatawag na “Chatty Bus.” Isa itong bus na may mga nakasakay na taong makikipag-usap sa mga pasaherong nais magkaroon ng kausap. Inilunsad ito dahil batay sa pananaliksik, 30 porsiyento ng mga Briton ang walang nakakausap kahit isang araw lamang sa buong linggo.

Marami sa atin ang nakakaranas ng pakiramdam na mag-isa dahil walang nakakausap. Napaalalahanan naman ako ng mga pakikipag-usap ko sa iba. Nagbibigay sa akin ng kasiyahan ang mga panahong may nakakausap ako ng masinsinan dahil napapatibay nito ang relasyon ko sa kanila.

Sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Colosas, hinikayat niya ang mga mambabasa na maaari din tayong makapagpakita ng pagmamahal sa ating pakikipag-usap sa iba. Isinulat niya, “Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya” (4:6 ABAB). Ipinapaalala ng apostol na ang pananalita natin ay nararapat na puno ng biyaya upang mapalakas din naman natin ang loob ng iba.

Sa susunod na pagkakataon na magkakaroon ka ng makakausap nang masinsinan, siguraduhin mo na ang mga salitang sasabihin mo ay magiging biyaya para sa iyo at para sa iyong kausap.

Kailan mo naranasan na may nakausap ka

na punung-puno ng kagandahang-loob at

pagpapalakas ng loob ang mga sinabi niya sa iyo?

Ama naming Dios, tulungan Mo pong maging daluyan ng pagpapala ang mga salitang sasabihin ko sa iba ngayong araw na ito.

Isinulat ni Lisa M. Samra

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links