Hindi Maunawaan

·

·

Hindi Maunawaan

Basahin: 2 Corinto 4:7–18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Samuel 27-29; Lucas Lucas 13:1–22

Sapagkat hindi kami tumitingin sa mga bagay na nakikita, kundi sa mga bagay na hindi nakikita, sapagkat ang mga bagay na nakikita ay may katapusan, subalit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan. — 2 Corinto 4:18 ABAB

Naging mahirap sa aming pamilya nang malaman namin na matatanggal sa trabaho ang aking asawa dahil sa pandemya. Naniniwala kami na ipagkakaloob ng Dios ang aming mga pangangailangan. Pero natatakot pa rin kami kung ano ang mangyayari sa amin sa hinaharap.

Habang magulo ang isip ko noong mga panahong iyon, binasa ko ang paborito kong tula na isinulat ni John of the Cross. Sinasabi sa tulang iyon kung paano natin isusuko sa Dios ang lahat ng ating pinagdadaanan kahit na hindi natin maunawaan ang mga nangyayari sa ating buhay. Kaya iyon ang ginawa namin ng aking asawa. Patuloy naming tiningnan ang pagkilos ng Dios sa mga bagay at pangyayari na hindi namin makontrol.

Hinikayat din naman ni Apostol Pablo ang mga mananampalataya sa Corinto na tumingin sa mga bagay na hindi nakikita. Sinabirin niya na inihahanda tayo sa panandalian nating mga kapighatian para sa walang hanggan at di-masukat na kaluwalhatian na mararanasan natin (2 Corinto 4:17).

Nauunawaan naman ni Apostol Pablo ang ating mga pinagdadaanan. Nalalaman din niya na kung magtitiwala tayo kay Jesus kahit na hindi natin nauunawaan ang mga nangyayari sa ating buhay, mararanasan natin ang kasiyahan at pag-asa na nagmumula sa Kanya (Tal. 10, 15-16).

Kailan mo nasaksihan ang kadakilaan ng Dios na hindi mo maunawaan?

Mapagmahal na Dios, marami pong walang kasiguraduhan sa mundong ito. Tulungan N’yo po akong patuloy na magtiwala sa Inyo kahit hindi ko po nauunawaan ang mga nangyayari sa aking buhay.

Isinulat ni Monica La Rose

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links