Saksi Sa Lugar Ng Trabaho

·

·

Saksi Sa Lugar Ng Trabaho

Basahin: 1 Pedro 2:11–21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Samuel 3-5; Lucas 14:25–35

“Ngunit kung pinaparusahan kayo kahit mabuti ang ginagawa ninyo, at tinitiis ninyo ito, kalulugdan kayo ng Dios.” — 1 Pedro 2:20

“Galit ka pa rin ba dahil pinaliit ko ang paborito mong departamento?” tanong ng namamahala. “Hindi.” ang sagot ni Evelyn. Sa totoo ay mas galit si Evelyn sa pang-iinsulto ng namamahala. Tinutulungan ni Evelyn ang kumpanya sa pamamagitan ng paghikayat sa iba’t-ibang mga grupo, pero dahil limitado ang kanyang kayang gawin, naging imposible ang kanyang plano. Sa kabila ng lahat, nagdesisyon pa rin siya na gawin ang kanyang trabaho ng buong husay.

Sa mga unang sulat ni Apostol Pedro, hinikayat niya ang mga mananampalataya na magpasakop sa mga tagapamahala (1 Pedro 2:13). Hindi madali ang manatiling marangal sa anumang uri ng trabaho.

Pero, binigyan tayo ni Pedro ng dahilan upang magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Sinabi ni Pedro, “Ipakita nʼyo sa mga taong hindi kumikilala sa Dios ang matuwid ninyong pamumuhay. Kahit pinararatangan nila kayo ngayon ng masama, sa bandang huli ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa nʼyo at luluwalhatiin nila ang Dios sa araw ng pagdating Niya” (Tal. 12). Dagdag pa dito, nagiging magandang halimbawa tayo sa ating kapwa.

Kung hindi maganda ang sitwasyon natin sa trabaho, mas makabubuti pa na lisanin natin ito (1 Corinto 7:21). Sa ligtas na sitwasyon at sa tulong ng Banal na Espiritu, maaari nating ipagpatuloy ang pagiging mabuti sa ating trabaho dahil ito ay nakalulugod sa Dios (1 Pedro 2:20). Kapag tayo ay nagpapasakop sa kinauukulan, mayroon tayong pagkakataon para bigyan ang iba ng dahilan na sundin at sambahin ang Dios.

Ano ang karaniwang ginagawa mo kapag ikaw

ay nasa mahirap na sitwasyon

sa ilalim ng sinumang nanunungkulan?

Dios Ama, tulungan Mo po akong mamuhay sa araw-araw sa paraang ikararangal Mo.

Isinulat ni Julie Schwab 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links