Alipin Tuwing Gabi

·

·

Alipin Tuwing Gabi

Basahin: Salmo 134 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Hari 8-9; Lucas 21:1–19

Pagpalain sana kayo ng Panginoon na nasa Zion na Siyang lumikha ng langit at ng lupa. — Salmo 134:3

Madaling araw sa isang ospital, isang nag-aalalang pasyente ang tumawag sa ikaapat na beses sa panggabi na nurse upang tumugon sa kanyang pangangailangan. Tinugon naman siya ng nurse nang walang reklamo. Isang pasyente na naman ang sumigaw para tawagin ang nurse at kaagad siyang pinuntahan nito. Desisyon ng nurse na mapalagay siya sa gabing duty upang makaiwas sa stress na dulot ng pang araw na duty, ngunit sa paglipas ng panahon nalaman niya na napakalaking responsibilidad pala ang ginagawa niya tuwing gabi. Kasama nito ang pagbubuhat sa pasyente, pagbabantay upang maibalita sa mga doktor ang kalagayan ng mga ito at marami pang iba.

Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ang nurse na ito sa kanyang pagtulog. Madalas ay humihiling siya ng panalangin sa kanilang mga kasamahan sa simbahan. Isa sa dalangin niya ay makakumpleto siya ng tulog. Ang panalanging ito ay nakatulong sa kanya upang makatulog siya nang mabuti. Purihin ang Panginoon sa pagtugon ng Dios sa kanilang panalangin.

Ang kanyang panalangin ay nararapat lamang para sa kanya na nagtatrabaho sa gabi at para sa ating lahat. Sinabi sa Salmo, “Purihin ang Panginoon, lahat kayong mga naglilingkod sa Kanyang templo kung gabi. Itaas ninyo ang inyong mga kamay kapag mananalangin kayo sa loob ng templo, at purihin ninyo ang Panginoon” (Salmo 134:1-2).

Ang salmo na ito na isinulat para sa mga taga Levita na nagsisilbi bilang bantay ng templo ay pinahalagahan ang kanilang mga trabaho. Sila ang nagbabantay sa templo, umaga at gabi. Sa ating abalang mundo, marapat lamang na ibahagi natin ang salmo na ito lalo’t higit sa mga nagtatrabaho sa gabi. Sinabi sa Salmo, “Pagpalain sana kayo ng Panginoon na nasa Zion na Siyang lumikha ng langit at ng lupa” (Tal. 3).

Purihin ang Panginoon sa pagtugon ng Dios sa mga panalangin.

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links