Puso Na Nais Maglingkod
Basahin: 2 Corinto 9:12–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Hari 16-18; Lucas 22:47–71
Ang bukas-palad ninyong pagbibigay na siyang patunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo, dahil diyan, magpupuri sila sa Dios. — 2 Corinto 9:13 MBB
May paglilingkod sa Carlsbad, New Mexico, na naghahandog buwan-buwan ng higit 10,000 kilo ng libreng pagkain sa komunidad. Sabi ng lider ng paglilingkod, “Puwedeng pumunta ang mga tao dito. Tatanggapin namin sila. Nais naming matugunan ang pangangailang pisikal para magbigay daan sa pangangailangan ng kanilang espiritu.
Bilang nagtitiwala kay Cristo, nais ng Dios na gamitin natin kung ano ang mayroon tayo para biyayaan ang ibang tao at ilapit ang ating komunidad sa Kanya. Paano kaya tayo magkakaroon ng pusong nais maglingkod at mapapurihan ang Dios?
Paano kaya tayo magkakaroon ng pusong nais maglingkod at papurihan ang Dios? Puwedeng hilingin sa Dios na ipakita sa atin paano magagamit ang mga kakayahang ipinagkatiwala Niya sa atin para sa kapakinabangan ng iba (1 Pedro 4:10). Maaaring maging dahilan din iyan na mag-umapaw ang pasasalamat nila sa Dios (2 Corinto 9:12).
Malaking bahagi ng gawain ni Jesus ang paglilingkod sa kapwa. Nagpagaling siya ng maysakit at nagpakain ng nagugutom. Naging paraan ito para ipakilala Niya ang kabaitan at pag-ibig ng Dios. Naipapakita natin ang pagsunod natin sa halimbawa ni Jesus sa pagmamalasakit natin sa komunidad. Paalala sa atin ng talata ngayon na kapag ipinakita natin ang pag-ibig ng Dios sa ginagawa natin, papupurihan ng mga tao ang Dios (Tal. 13) dahil sa pag-ibig Niya at milagrosong pagkilos sa pamamagitan ng tagasunod Niya.
Ano’ng dahilan ng paglilingkod mo sa komunidad?
Paano pa mas mapapapurihan ang
Dios gamit ang mga kakayahan mo?
Ama sa Langit, bigyan Mo po ako ng pusong nais maglingkod.
Isinulat ni Kimya Loder
Leave a Reply