Manabik Sa Kanya

·

·

Manabik Sa Kanya

Basahin: Juan 6:25–35 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Cronica 4-6; Juan 6:1–21

Sabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa Akin ay ‘di na magugutom kailanman, ang sumasampalataya sa Akin ay hindi na mauuhaw kailanman. – Juan 6:35 MBB

Bakit kaya kapag sinabing, “Ito na’ng huling chichiryang kakainin ko,” pagkalipas ng limang minuto naghahanap na ulit tayo? Sinagot ‘yan ni Michael Moss sa aklat niyang Asin Asukal Taba. Inilarawan niyang alam ng mga malalaking kumpanyang gumagawa ng chichirya sa Amerika kung paano “tulungan” ang mga tao na manabik sa chichirya. At may isang sikat na kumpanya raw na gumastos ng 30 milyong dolyar kada taon para malaman ang tungkol sa pananabik na nagbibigay payo kung paano sasamantalahin ang pananabik natin sa pagkain.

Kabaligtaran niyan si Jesus na tinutulungan tayong naisin ang tunay na pagkain – pagkaing espirituwal – na nagbibigay kasiyahan sa ating kaluluwa.

Sabi Niya, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa Akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa Akin ay hindi na mauuhaw kailanman” (Juan 6:35). Dalawang bagay ang sinasabi dito: Una, hindi kalakal kundi tao ang tinutukoy Niyang tinapay (Tal. 32). At ‘pag nagtiwala ang tao kay Jesus para sa kapatawaran ng kasalanan, nagkakaroon sila ng tamang relasyon sa Kanya at nakakahanap ng katuparan sa lahat ng pananabik ng kanilang kaluluwa. Walang hanggan ang Tinapay na ito, pagkaing espirituwal na nagdudulot ng kasiyahan at buhay.

Kapag ibinigay natin ang tiwala natin kay Jesus, ang tunay na Tinapay mula sa langit, mananabik tayo sa Kanya at palalakasin Niya at babaguhin ang buhay natin.

Bakit kaya nanabik tayo sa mga bagay na alam nating

hindi makakatugon sa malalim na pananabik ng puso natin?

Isinulat ni Marvin Williams

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links