Malalim at Nagbubuklod
Basahin: Genesis 1:26–28 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Cronica 16-18; Juan 7:28–53
Nilalang nga ng Dios ang tao ayon sa kanyang larawan. – Genesis 1:27 MBB
Dumalo sa protestang pampulitika sina Amina, isang imigranteng mula Iraq, at Joseph na pinanganak sa Amerika. Nasa magkaibang panig sila. Pinaniwala tayo na galit sa isat-isa ang magkaibang lahi at paniniwalang politikal.
Pero nang atakihin si Joseph ng ilang tao at sinubukang sunugin ang damit niya, dinipensahan siya ni Amina. “Sobrang magkakaiba kami,” sabi ni Joseph sa tagapagbalitang kumausap sa kanya, “pero sa oras na iyon alam namin pareho na hindi tama iyon.” May mas malalim pa sa pulitika na nagbuklod kina Amina at Joseph.
O Dios, sa lagay ng mundo ngayon, madalas mahirap paniwalaang may malalim na pagkaparepareho kami.
Kahit pa madalas na may hindi pagkakaunawaan ang mga tao, may mahahalagang pagkakaiba na hindi maitatanggi, pero may mas malalim na katotohahang nagbubuklod sa atin. Nilikha tayo ng Dios at nabibigkis sa isang minamahal na pamilya. Ano man ang kasarian, katayuan sa lipunan, lahing pinagmulan, o paniniwalang politikal natin – nilikha tayo ng Dios “ayon sa kanyang larawan” (Genesis 1:27). Ano man ang totoo, nasasalamin sa atin ang Dios at inatasan Niya tayong “punuin” at “pamahalaan” ang mundo na may talino at pag-aaruga (Tal.28).
Kapag nalilimot natin na pinagbuklod tayo ng Dios, sinisira natin ang sarili at ang iba pa. Pero kapag nagsasama-sama tayo sa kagandahang loob at katotohanan ng Dios, kalahok tayo sa nais Niyang gumawa ng maganda at masaganang mundo.
Ano kaya ang pakiramdam kapag nagkakaisa ang mga taong magkakaiba?
Isinulat ni Winn Collier
Leave a Reply