Nandito Si Jesus
Basahin: Mateo 28:16–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Cronica 28-29; Juan 17
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos Ko sa inyo . Tandaan ninyo, Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon. – Mateo 28:20 MBB
Nakaratay sa higaan na may ngiti ang matandang tiyahin ng magulang ko. Nakasuklay ang mapuputing buhok at puno ng kulubot ang mga pisngi. ‘Di siya masyadong nagsalita pero tanda ko pa ang binulong niya nang bisitahin namin siya ng mga magulang: “Hindi ako nalulungkot. Nandito si Jesus kasama ko.”
Namangha ako. Balo na siya at nakatira sa malayo ang mga anak niya. Malapit na siyang magsiyam na dekada, naninirahan mag-isa, nakaratay sa higaan, hindi masyadong makagalaw. Pero nasabi niyang hindi siya malungkot.
Salamat po, Jesus, ipinadala Mo ang Iyong Espiritu bilang kasama at kaginhawahan ko.
Tulad nga naman ng dapat nating gawin, pinanghawakan niya ang sinabi ni Jesus sa mga alagad Niya: “Ako’y laging kasama ninyo” (Mateo 28:20). Batid niyang kasama niya ang Espiritu ni Cristo, tulad ng ipinangako Nito nang inatasan ang mga alagad Niya na humayo at ipahayag ang Kanyang mensahe sa iba (Tal. 19). Sinabi ni Jesus na makakasama ng mga alagad at makakasama rin natin ang Banal na Espiritu (Juan 14:16-17).
Sigurado akong naranasan ng tiyahin ng magulang ko ang katotohanan ng pangakong iyan. Nasa kanya ang Espiritu habang nakaratay siya sa kanyang higaan. At ginamit siya ng Espiritu para ibahagi ang katotohanang ito sa akin – isang batang apo sa pamangkin, dalaga, na nangangailangan marinig at isapuso ang katotohanang iyon.
Paano ka napapasigla ng katotohanang
kasama mo si Jesus ngayon?
Paano mo naranasan ang
kaginhawahan ng Banal na Espiritu?
Isinulat ni Katara Patton
Leave a Reply