Sapat Na Oras
Basahin: Mangangaral 3:1–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Cronica 34-36; Juan 19:1–22
Ang tao’y binigyan Niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas. – Mangangaral 3:11 MBB
Nakita ko sa bahay ng kaibigan kong si Marty ang makapal na librong War and Peace ni Leo Tolstoy. Inamin ko: “Hindi ko natapos basahin iyan.” Tumawa siya. “Regalo iyan ng kaibigan ko nung nagretiro ako at sinabi, ‘Sa wakas may oras ka na para dito.’”
Nakatala sa unang walong talata ng Mangangaral 3 ang karaniwang ritmo ng mga panahon sa buhay. Kahit nasa anong yugto man tayo ng buhay natin, karaniwan na hindi tayo makahanap ng sapat na oras para gawin ang lahat ng gusto nating gawin. At para maging mainam ang paggamit natin ng oras, nakakatulong sa atin ang magplano (Salmo 90:12).
Jesus, ituro Mo po sa akin ang pananaw Mong pangwalang-hanggan.
Jesus, ituro Mo po sa akin ang pananaw Mong pangwalang-hanggan.
Napakahalaga nga sa kalusugan ng espiritu natin ang oras na ginugugol natin sa Dios araw-araw. Kasiya-siya sa ating espiritu ang maging produktibo (Mangangaral 3:13). Mahalaga ang paglilingkod sa Dios at pagtulong sa kapwa para matupad natin ang layunin ng Dios sa buhay natin (Efeso 2:10). At hindi sayang ang panahon ng pahinga at paglilibang natin kundi pakinabang sa katawan at espiritu.
Pero madalas inilalaan natin ang oras sa kung ano ang pinakamahalaga sa atin sa ngayon dahil masyado tayong nakatuon sa kasalukuyang buhay dito sa mundo. Ayon sa Mangangaral 3:11, binigyan tayo ng Dios ng pagnanasa sa puso natin para sa walang hanggan – paalala na bigyang prayoridad ang mga bagay na pangwalang hanggan. Harapin nawa natin ang pinakamahalaga – ang pananaw ng Dios na pangwalang-hanggan, “mula sa pasimula hanggang sa wakas.”
Anong pagbabago ang mainam gawin sa paggamit mo ng oras?
Isinulat ni Cindy Hess Kasper
Leave a Reply