Kaibigan Ng Kaibigan Ng Dios
Basahin: Mateo 10:1–11, 40–42 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Job 11-13; Gawa 9:1–21
Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa Akin, at ang tumatanggap sa Akin ay tumatanggap sa nagsugo sa Akin. – Mateo 10:40 MBB
May magiliw na nangyayari sa mga bago pa lang nagkakilala kapag nalaman na may kapareho silang kaibigan . Isang halimbawa ng sinasabi, “Ikinagagalak kitang makilala . Ang kaibigan na ni Sam o ni Samantha, kaibigan ko rin .”
May sinabi rin si Jesus na katulad niyan . Maraming tao ang naakit sa Kanya dahil sa pagpapagaling Niya . Pero marami sa lider ng relihiyon ang nagalit sa hindi Niya pagsang-ayon na pagkakitaan ang templo at sa maling paggamit ng katungkulan .
Ama, salamat po sa pagkakataong ibinibigay Mo sa amin para makibahagi sa Magandang Balita.
Sa gitna ng lumalaking alitan, pinadami pa ni Jesus ang galak, halaga, at mangha sa pagkilos Niya – binigyan Niya ng kakayahang magpagaling ang mga alagad Niya at ipinadala sila para ipahayag na malapit na maghari ang Dios . Tiniyak Niya sa kanila, “Ang tumanggap sa inyo ay tumatanggap sa Akin” (MATEO 10:40 mbb) at sa Kanyang Ama na nagsugo sa Kanya .
Siguro iyan na ang alok ng pagkakaibigan na pinakanakapagbabago ng buhay . Kung sino man ang magbukas ng bahay nila o kahit na magbigay lang ng isang baso ng malamig na tubig sa isa sa mga alagad ni Jesus, may puwang na siya sa puso ng Dios . Matagal nang nangyari ang tagpong iyan, pero ipinapaalala sa atin ng sinabi ni Jesus na sa maliliit o malalaking paraan ng mabuting pakikitungo at pagtanggap sa kapwa, nangyayari pa rin ang pagtanggap sa tao bilang kaibigan ng mga kaibigan ng Dios .
Sa tulong ng Banal na Espiritu,
ano ang puwede mong gawin para may
pagkakataon ang ibang tao na buksan ang puso nila sa’yo?
Isinulat ni Mart DeHaan
Leave a Reply