Nabubuhay at Umuunlad

·

·

Nabubuhay at Umuunlad

Basahin: Efeso 4:4–16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Job 20-21; Gawa 10:24–48

At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin nang may pag-ibig, ang buong katawan ay lalago at lalakas. – Efeso 4:16

Naniniwala ang pamilya sa pelikulang The Croods na ang tanging paraan para mabuhay sila ay kung magsasama-sama silang buong pamilya. Takot sila sa mundo at sa iba, kaya noong naghanap sila ng ligtas na lugar para tirahan, natakot sila pagdiskubre sa isang kakaibang pamilya na nakatira na doon sa lugar na pinili nila.

Pero hindi nagtagal, natutunan nilang yakapin ang kaibahan nila sa kanilang bagong kapitbahay, kumuha sila ng lakas mula sa mga ito, at namuhay nang sama-sama. Nalaman nila na gusto rin nila ang mga ito at kailangan nila ang iba para mabuhay nang mapayapa.

Mapanganib ang pakikipagrelasyon kasi kaya ng mga taong manakit at ginagawa talaga nila ito. Pero may mabuting dahilan kung bakit pinagsasama-sama ng Dios ang mga anak Niya sa isang katawan, ang simbahan. Sa pakikisalamuha sa iba, ganap na lalago tayo (Efeso 4:13). Natututunan nating dumipende sa Kanya para tulungan tayong maging “mahinahon at mapagpakumbaba” at “maunawain” (Tal. 2). Tinutulungan natin ang isa’t isa “nang may pag-ibig” (Tal. 16). Kapag nagsasasama-sama tayo, ginagamit natin ang ating mga kaloob at natututo tayo sa iba na gumagamit din ng kanilang kaloob, na nagpapalakas naman sa atin sa paglakad natin kasama ang Dios at sa paglilingkod sa Kanya.

Habang ginagabayan ka Niya, hanapin mo ang lugar mo sa bayan ng Dios. Hindi ka lang mabubuhay, mapaparangalan mo pa ang Dios habang lumalakad ka patungo sa isang lumalagong relasyon kay Jesus at sa iba.

Sino ang kasama mo sa buhay ngayon?

Paano mo nagagawang matatag at

maayos ang iyong relasyon sa kanila?

Isinulat ni Anne Cetas 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links