Dalian at Maghintay

·

·

Dalian at Maghintay

Basahin: 1 Samuel 22:1–5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Job 34-35; Gawa 15:1–21

Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon! – Salmo 27:14

“Ano ang gagawin natin sa lahat ng tirang oras na ito?” Ang kaisipang iyan ang puso ng essay na inilathala si John Maynard Keynes noong 1930. Doon, sinabi ni Keynes na sa loob ng 100 taon, dahil sa teknolohiya ay darating ang panahon na tatlong oras na lang sa isang araw magtatrabaho ang tao.

Lampas 90 taon na mula nang mailathala ang essay na iyon. Pero sa halip na magbigay ng mas maraming oras, lalo tayong naging abala dahil sa teknolohiya. Puno ang mga araw natin, at kahit kaunting oras na lang ang ginugugol natin sa pagbibiyahe at paghahanda ng pagkain, nagmamadali pa rin tayo.

Isang insidente sa buhay ni David na lingkod ng Dios ang nagpakita kung paano tayo mananatiling matatag sa gitna ng nagmamadaling buhay. Noong tinatakasan ni David si Haring Saul (na gusto siyang patayin), sinabi niya sa hari ng Moab, “Nakikiusap ako na payagan ninyo na dito muna manirahan ang aking mga magulang hanggaʼt hindi ko pa natitiyak kung ano ang kalooban ng Dios sa akin” (1 Samuel 22:3). Ang daming nangyayari kay David. Tinatakasan niya si Saul at iniintindi ang pamilya. Pero kahit sa gitna ng pagmamadali, nagbigay siya ng oras para maghintay sa Dios.

Kapag dinadala tayo ng nakakatarantang pagmamadali ng buhay, puwede tayong magtiwala sa Nag-iisang kayang magbigay ng kapayapaan (Isaias 26:3). Mahusay na naibuod ito ng mga salita ni David: “Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!” (Salmo 27:14).

Sa paanong paraan ka naghihintay sa pagtugon ng

Dios sa iyong mga idinadalangin?

Saan ka nangangailangan ng tulong sa araw na ito?

Isinulat ni James Banks

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links