Tunay Na Kalayaan

·

·

Tunay Na Kalayaan

Basahin: 1 Corinto 10:23–11:1 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 1-3; Gawa 17:1–15

Huwag lamang ang sarili ninyong kapakanan ang inyong isipin kundi ang kapakanan din ng iba. – 1 Corinto 10:24

Habang nagbabasa sa tren, abala si Meiling sa pagha-highlight ng mga pangungusap at pagsusulat ng mga notes sa gilid ng libro niya. Pero napahinto siya dahil sa pag-uusap ng isang nanay at isang anak na nakaupo malapit sa kanya. Pinapagalitan ng nanay ang anak dahil ginuhitan nito ang libro nitong galing sa aklatan. Itinago ni Meiling ang panulat, ayaw niyang ipagwalang- bahala ng bata ang sinasabi ng ina nito dahil sa kanya. Alam niyang hindi maiintindihan ng bata ang kaibahan ng paninira sa librong hiniram at ang pagsusulat sa librong pag-aari mo.

Pinaalala niyon sa akin ang mga salita ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 10:23-24: “Maaari nating gawin ang kahit ano, pero hindi lahat ay nakakabuti o nakakatulong. Huwag lamang ang sarili ninyong kapakanan ang inyong isipin kundi ang kapakanan din ng iba.”

Para sa mga mananampalataya sa Corinto, ang kanilang kalayaan kay Cristo ay isang paraan para gawin ang kanilang personal na interes. Pero isinulat ni Pablo na dapat tingnan nila ito bilang isang pagkakataon para mapabuti at magpalakas sa iba. Itinuro niya sa kanila na ang tunay na kalayaan ay hindi iyong paggawa kung ano gusto, kundi ang kalayaang gawin ang dapat gawin para sa Dios.

Sinusundan natin ang yapak ni Jesus kapag ginamit natin ang kalayaan para palakasin ang iba, imbis na paglingkuran ang sarili.

Paano mo isasaalang-alang ang iba

sa paggamit mo ng iyong kalayaan?

Jesus, salamat po sa pagpapalaya Mo sa akin. Bigyan Mo po ako ng karunungan at kagandahang-loob para gamitin ang kalayaan ko sa mga paraan na tunay na magpaparangal Sa’yo at magpapala sa iba.

Isinulat ni Poh Fang Chia

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links