Ang Susi

·

·

Ang Susi

Basahin: Mateo 11:25–29 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 43-45; Gawa 27:27–44

Sundin ninyo ang mga utos Ko at matuto kayo sa Akin, dahil mabait Ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo. – Mateo 11:29

Sa librong The Human Condition, ibinahagi ni Thomas Keating ang isang di-malilimutang kuwento. Isang lalaki ang nakaluhod sa damuhan, hinahanap ang nawawala niyang susi ng bahay. Nang makita siya ng mga estudyante niya, tumulong sila sa paghahanap, pero walang nangyari. Sa wakas, “isa sa mas matatalino niyang estudyante” ang nagtanong, “May ideya po ba kayo kung saan n’yo nawala ‘yung susi?” Sabi ng guro, “Siyempre. Nawala ko ‘yun sa loob ng bahay.” Nang sumagot sila ng, “Eh bakit po dito tayo naghahanap?” sumagot siya, “Hindi ba halata? Mas maliwanag dito.”

Naiwala natin ang “pagiging malapit sa Dios, ang karanasan ng Kanyang mapagmahal na presensya,” pagtatapos ni Keating. “Kung wala iyon, walang ibang gagana; kung meron niyon, lahat gagana.”

Napakadaling kalimutan na ang Dios ang susi sa ating mga pinakamalalim na inaasam. Pero kapag handa na tayong huminto sa paghahanap sa mga maling lugar, naroon ang Dios, handang ipakita sa atin ang tunay na kapahingahan. Sa Mateo 11, pinuri ni Jesus ang Ama sa paghahayag Niya ng Kanyang mga paraan, hindi sa “marurunong at matatalino,” kundi “sa mga taong tulad ng bata” (Tal. 25). Tapos, inimbita Niya ang mga “nahihirapan at nabibigatan” (Tal. 28) na lumapit sa Kanya at magpahinga.

Gaya ng mga bata, makakahanap tayo ng tunay na pahinga habang natututo tayo ng karunungan ng ating Guro, na “mabait at mababang loob” (Tal. 29). Naroon ang Dios, handang sumalubong sa ating pag-uwi.

Mapagmahal na Dios, napakadali kong mahila para maghanap ng kasiyahan sa pinakamakinang na bagay. Tulungan Mo po akong lumapit Sa’yo para mahanap ang tunay na pahinga.

Isinulat ni Monica La Rose

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links