Mga Binhi Ng Panahon

·

·

Mga Binhi Ng Panahon

Basahin: Marcos 4:13–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 126–128; 1 Corinto 10:19–33

Ang mabuting lupa na hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig ng Salita ng Dios at tumanggap nito. Kaya namumunga ito sa kanilang buhay. – Marcos 4:20

Noong 1879, inisip siguro ng mga taong nakapanood kay William Beal na baliw siya. Nakita nila ang propesor na naglagay ng iba’t ibang buto sa may 20 na bote at ibinaon iyon sa lupa. Ang hindi nila alam, ang ginagawa niya ay isang eksperimento tungkol sa kakayahang mabuhay ng mga buto, at tatagal iyon nang ilang siglo. Kada 20 taon, huhukayin ang isang bote para itanim ang mga buto doon at titingnan kung aling buto ang tutubo.

Tinalakay ni Jesus ang tungkol sa pagtatanim, kinumpara ang paghahasik ng buto sa pagpapalaganap ng “salita” (Marcos 4:15). Itinuro niya na may mga butong inagaw ni Satanas, iyong iba ay hindi nag-ugat, habang iyong iba ay nahadlangan ng buhay sa paligid nila at nasakal (Tal. 15-19). Habang pinapangalat natin ang mabuting balita, hindi nakasalalay sa atin kung aling buto ang mabubuhay.

Ang trabaho lang natin ay magtanim ng mabuting balita—sabihin sa iba ang tungkol kay Jesus: “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao” (16:15).

Noong 2021, isa pang bote ni Beal ang hinukay. Itinanim ng mga researcher ang mga buto at may mga umusbong, nakatagal sila sa bote nang mahigit 142 taon. Habang kumikilos ang Dios sa atin at binabahagi natin ang ating pananampalataya sa iba, hindi natin alam kung mag-uugat ba iyon o hindi. Pero dapat lumakas ang loob natin kasi puwedeng ang itinanim natin ngayon, kahit matapos ang ilang taon, ay tinanggap at “namumunga sa kanilang buhay” (4:20).

Nakapagpahayag ka na ba ng

Magandang Balita sa ibang tao?

Ano ang tugon ng taong iyon tungkol sa Panginoong Jesus?

Isinulat ni Kenneth Petersen 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links