Matutong Magmahal

·

·

Matutong Magmahal

Basahin: Marcos 10:13–16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Kawikaan 30-31; 2 Corinto 11:1–15

Kinalong niya ang mga bata… at pinagpala. – Marcos 10:16

Sa isang eskuwelahan sa Greenock, Scotland, tatlong gurong naka-maternity leave ang nagdadala ng mga sanggol nila kada dalawang linggo, para makasalamuha ng mga bata roon. Ang pakikipaglaro sa mga sanggol ay nagtuturo sa mga bata ng pakikiramay, o iyong pag-intindi sa nararamdaman ng iba. Madalas, ang tumutugon ay iyong mga estudyanteng “medyo mahirap,” sabi nga ng isang guro. Natutunan nila “kung gaano kahirap mag-alaga ng bata” at “ang nararamdaman ng isa’t isa.”

Hindi na bago sa mga nagtitiwala kay Jesus ang matuto ng pagmamalasakit dahil sa mga sanggol. Kilala natin ang dumating bilang sanggol na si Jesus. Binago ng kapanganakan Niya ang lahat ng alam natin tungkol sa pangangalaga sa iba. Ang unang nakaalam ng kapanganakan ni Cristo ay mga pastol, na nangangalaga sa mahihinang tupa.

Tapos, nang dalhin ang mga bata kay Jesus, itinama Niya ang mga tagasunod Niya na nag-isip na hindi karapatdapat ang mga bata. “Hayaan nʼyong lumapit sa akin ang mga bata,” sabi Niya, “Huwag nʼyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ay kabilang sa kaharian ng Dios” (Marcos 10:14).

“Kinalong Niya ang mga bata, ipinatong ang … kamay sa kanila at pinagpala” (Tal. 16). Sa sarili nating buhay, bilang mga “mapanghamong” anak Niya, puwede rin tayong ibilang na di-karapatdapat. Pero tinatanggap tayo ni Cristo nang may pag-ibig . Dahil doon kaya natutunan natin ang kapangyarihan ng pagmamahal sa mga sanggol at sa lahat ng tao.

Ano ang nagpapasaya sa iyong gawin

tuwing kasama mo ang mga bata?

Ano ang itinuturo sa iyo ni Jesus ngayon kung

paano mo ipadarama sa iba ang

pagmamahal at pagmamalasakit?

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links