Tingnan Ang Bunga

·

·

Tingnan Ang Bunga

Basahin: Mateo 7:15–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isaias 14-16; Efeso 5:1–16

Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. – Mateo 7:16

“Maaari bang tumayo ang tunay na [pangalan ng tao]?” Ito ang sikat na linya sa dulo ng palabas sa telebisyon na To Tell the Truth (Ang Magsabi ng Totoo). Sa palabas na ito, may apat na sikat na tao ang nagtatanong sa tatlong tao na parehong nagsasabing sila si (pangalan ng tao). Huwad ang dalawa at kailangang matukoy ng grupo kung sino ang totoo.

Isang beses sinubukang hulaan kung sino “ang tunay na Johnny Marks” na siyang sumulat ng kantang Rudolph the Red-Nosed Reindeer. Magagaling magtanong ang mga humuhula pero nahirapan pa rin sila. Magaling magbaluktot ng katotohanan ang mga huwad – at naging nakakaaliw na palabas ito sa telebisyon.

Hindi rin madaling makilatis kung sino ang mga “huwad na guro” pero napakahalaga nito. Minsan, lumalapit sa atin na tila maamong tupa ang mga mababagsik na asong-gubat. Binalaan tayo ni Jesus na mag-ingat sa mga ito (Mateo 7:15 MBB). Mas kailangan natin ng mapanuring mata kaysa mapanuring tanong: “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa” (Tal. 16-20).

Tinutulungan tayo ng Biblia na makilatis ang mabuti at masamang bunga. Ang mabuting bunga: “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili” (Gal. 5:22-23). Hindi ito dapat ipagwalang-bahala dahil mapanlinlang ang mga asong-gubat na ito. Pero bilang sumasampalataya kay Jesus na puspos ng Banal na Espiritu, lingkod tayo ng tunay na Mabuting Pastol na “puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan” (Juan 1:14).

Nakatagpo ka na ba ng asong-gubat na

nagpapanggap na tupa? Suriin ang karanasang ito at

“tingnan ang bunga.” Ano ang nakikita mo?

Dakilang Pastol, bigyan po Ninyo ako ng mga mata at tenga na marunong kumilatis ng mabuting bunga.

Isinulat ni John Blase

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links