Dalamhati at Pasasalamat

·

·

Dalamhati at Pasasalamat

Basahin: Job 1:13–22 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isaias 23-25; Filipos 1

Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh! – Job 1:21 MBB

“Mabait sa akin ang nanay mo. Sayang siya ang namatay imbes na ako.” Ito ang sabi ng isang kapwa niya may cancer nang namatay ang nanay ko.

“Mahal ka ni nanay. Dasal namin na sana masubaybayan mo ang paglaki ng iyong mga anak.” Nag-iyakan kami at habang hawak ko ang kamay niya, hiniling ko sa Dios na bigyan siya ng kapayapaan sa kanyang pagdadalamhati at nagpasalamat ako sa Dios sa pagkawala ng cancer niya.

Nakatala sa Biblia ang masalimuot na pagdadalamhati ni Job nang mawala sa kanya halos lahat, pati na ang kanyang mga anak. Nagluksa si Job at “nagpatirapa at sumamba sa Dios” (Job 1:20). Galing sa isang pusong basag pero puno ng pag-asa ang pagsuko at pasasalamat niya: “Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!” (Tal. 21). Kinalaunan, naging mahirap ang pagdadalamhati at paghilom, pero sa tagpong ito nagpuri siya sa Dios at tinanggap ang kapangyarihan at pamumuno Nito sa mga kaganapan sa buhay niya, mabuti man o masaklap.

Inaanyayahan tayo ng Dios na maging totoo, maging sa pagdadalamhati. Kahit na tila walang katapusan ang lungkot, pinaninindigan ng Dios na hindi Siya magbabago kahit kalian. Ito ang nagpapagaan ng damdamin natin at nagbibigay lakas para magpasalamat na kapiling natin Siya.

Naranasan mo na bang pasalamatan ang

Dios sa gitna ng pagdadalamhati?

Paano ipinakilala ng Dios

ang sarili Niya sa’yo nung tila

walang nakakaintindi sa damdamin mo?

Isinulat ni Xochitl Dixon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links