Para Sa Magandang Balita

·

·

Para Sa Magandang Balita

Basahin: 1Tito 2:1–10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Jeremias 15-17; 2 Timoteo 2

Upang maipakita nila sa lahat nilang ginagawa ang kagandahan ng katuruan ng Dios na ating Tagapagligtas. – Tito 2:10 MBB

Taong 1916 nang nagtapos si Nelson, tubong Virginia, sa pag-aaral ng medisina, ikinasal, at tumungo sa Tsina kasama ang kaniyang asawa. Naging doktor siya sa Love and Mercy Hospital na nag-iisang ospital sa lugar na halos dalawang milyon ang nakatira. Nanirahan doon ng dalawangpu’t-apat na taon si Nelson, kasama ang pamilya niya, at naglingkod sa pamamalakad ng ospital, pag-oopera, at pagpapahayag ng Salita ng Dios.

Sa simula, tinawag siyang foreign devil (dayuhang demonyo) ng mga walang tiwala sa mga dayuhan. Kinalaunan, nakilala si Nelson Bell bilang “Bell na umiibig sa mga Tsino.” Napangasawa ng anak niyang si Ruth si Billy Graham, isang naging tanyag na nagpapahayag ng tungkol sa pagliligtas ni Jesus.

Magaling na doktor at tagapagturo ng Biblia si Nelson. Pero ang pagkatao niya at pagsasabuhay ng mabuting balita tungkol kay Jesus ang naging dahilan para maakit ang maraming Tsino kay Jesus. Sa liham ni Apostol Pablo kay Tito, ang batang hentil na lider ng simbahan sa Crete. Sinabi ni Pablo na napakahalagang mabuhay nang tulad ni Cristo dahil nagagawa nitong maging kaakit-akit ang Magandang Balita (Tito 2:10). Ang kagandahang-loob ng Dios ang tumutulong na mamuhay tayo “nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at karapat-dapat sa Dios” (Tal. 12). Sinasalamin nito ang katotohanan ng ating pananampalataya (Tal. 1).

Maraming tao sa paligid natin ang hindi pa nakakakilala kay Jesus pero kilala nila tayo. Tulungan nawa tayo ng Dios na ihayag ang mensahe ni Jesus sa kaaya-ayang paraan.

Ano ang puwede mong gawin o itigil

para maging mas kaaya-aya

sa iba ang Magandang

Balita tungkol kay Jesus.

Maibiging Dios, gusto ko pong akayin ang iba papalapit sa Iyo.

Isinulat ni Karen Huang

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links