Ihanda Ang Iyong Depensa
Basahin: Deuteronomio 4:1–9 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Ezekiel 3-4; Hebreo 11:20–40
Mag-ingat kayo, at huwag ninyong kakalimutan o babaliwalain ang mga nasaksihan. – Deuteronomio 4:9 MBB
Pumunta ang isang lalaki at mga kaibigan niya sa isang ski resort. Para mag-snowboarding, dumaan sila sa tarangkahang may babala tungkol sa pagguhuho ng snow. Sa ikalawang pagbaba nila, may sumigaw, “Gumuguho ang snow!” Hindi nakaiwas ang lalaki at namatay sa rumaragasang snow. May pumuna at nagsabing baguhan kasi siya. Pero hindi pala – isa siyang sertipikadong gabay sa pagguho ng snow.
Ayon sa mananaliksik, mas malamang madulas sa maling kaisipan ang taong mas marami ang pagsasanay sa pagguho ng snow kapag nag ski at nag snowboarding sila. “Namatay siya kasi nakampante siyang ibaba ang depensa niya.”
Gusto ko pong maging alerto at maibiging sumunod sa’Yo, o Dios.
Nang naghahanda ang mga Israelitang pumunta sa lupang pangako, nais ng Dios na laging handa ang depensa ng mga hinirang Niya – na maging maingat at alerto. Kaya inutusan silang sundin lahat ng utos at tuntunin Niya (Deuteronomio 4:1-2) at tandaan ang hatol Niya noon sa mga sumuway (Tal. 3-4). Kailangan nilang maging maingat at suriin ang sarili at bantayan ang kalooban nila (Tal. 9). Makakatulong ito para proteksyunan nila ang sarili laban sa mga espirituwal na kapahamakan mula sa labas at espirituwal na kawalang-pakialam mula sa kalooban.
Madaling makampante at madalas tayong mahulog sa patibong ng kawalan ng pakialam at panloloko sa sarili. Pero nagbibigay ng lakas ang Dios para makaiwas. Pinapatawad rin Niya tayo dahil sa Kanyang awa kapag nadapa tayo. Sumunod tayo sa Dios at magpahinga sa Kanyang talino at pagtustos para handa tayo lagi at magdesisyon tayo nang tama!
Kailan mo madalas ibaba ang kahandaang espirituwal?
Ano’ng gagawin mo para sundin ang utos ng Dios
na maging alerto laban sa
panganib sa pananampalataya mo?
Gusto ko pong maging alerto at maibiging sumunod sa’Yo, o Dios.
Isinulat ni Marvin Williams
Leave a Reply