Kilala Ka Ng Dios

·

·

Kilala Ka Ng Dios

Basahin: Salmo 139:1–12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Ezekiel 11-13; Santiago 1

Ako’y Iyong siniyasat, batid Mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak Mong nalalaman. – Salmo 139:1 MBB

Tila ramdam ni Inay ang panganib kahit malayo pa. Isang beses, matapos ang mahirap na araw sa paaralan, sinubukan kong itago ang nadaramang kabiguan para sana walang makapansin.

Pero tinanong ako ni Inay, “Ano’ng problema?” Dagdag pa niya, “Bago mo sabihing wala, tandaan mo ako ang nanay mo; ako ang nagluwal sa’yo at mas kilala kita kaysa sarili mo.” Madalas niyang ipaalala sa akin na nakakatulong sa kanya ang malalim na pagkakakilala sa akin para nasa tabi ko siya kapag kailangan ko.

Bilang sumasampalataya kay Jesus, alaga tayo ng Dios na nakakakilala sa atin nang lubos. Pinuri naman ni Haring David ang mapagbantay niyang kalinga sa buhay ng mga anak Niya sa sinabing, “Ako’y Iyong siniyasat, batid Mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak Mong nalalaman. Ang lahat ng gawain ko, sa Iyo ay hindi lingid, kahit Ikaw ay malayo, batid Mo ang aking isip (Salmo 139:1-2).

Dahil kilala tayo ng Dios at alam Niya lahat ng iniisip, ninanais, at ginagawa natin – wala tayong mapupuntahan na lampas sa hangganan ng lubusang pagmamahal at pag-aalaga Niya (Tal. 7-12). Sinulat ni David na kahit pa “ang tirahan ko’y duluhan ng kanluran, tiyak Ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan (Tal. 9-10). Maaari tayong mapanatag sa kaalamang kahit ano ang sitwasyon natin sa buhay, kapag nanalangin tayo sa Dios, hahandugan Niya tayo ng pagmamahal, katalinuhan, at gabay na kailangan natin.

Kailan ka nakaranas na para bang walang nakakaintindi sa

tunay mong nararamdaman? Paano nakatulong sa’yo

ang kaalamang kasama mo ang Dios na nakakakilala sa’yo kapag ganoon?

Maibiging Dios, madalas dama ko po na mag-isa ako at walang nakakaintindi sa’kin. Salamat at kita, dinig, at iniibig Mo ako.

Isinulat ni Kimya Loder 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links