Palakasin Ang Loob Ng Isa’t-Isa

·

·

Palakasin Ang Loob Ng Isa’t-Isa

Basahin: Hebreo 3:7–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Ezekiel 42–44; 1 Juan 1

Magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “Ngayon.” — Hebreo 3:13 MBB

Sumalampak ako sa upuan matapos ang isang linggong puno ng nakakalungkot na resulta tungkol sa aking kalusugan. Ayaw kong mag-isip. Ayaw kong makipag-usap. Hindi ako makapagdasal. Puno ako ng pagdududa at panghihina ng kalooban nang binuksan ko ang telebisyon. Nakita ko sa isang patalastas – isang batang babae na pinupuri ang nakababatang kapatid na lalaki, “Isa kang kampeon.” Habang patuloy niyang pinalalakas ang kalooban ng lalaki, mas lumaki ang ngiti ng bata. Napangiti rin ako.

Madalas ding nakaranas ang mga Israelita ng pagdududa at panghihina ng loob. Gamit ang Salmo 95, na nagsasaad na maririnig ang tinig ng Dios sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, binalaan ng nagsulat ng Aklat ng mga Hebreo ang mga sumasampalataya kay Jesus na iwasan ang mga pagkakamali ng mga Israelita habang paikot-ikot sa disyerto (3:7-11). “Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa Dios na buhay. Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “Ngayon” (Heb. 3:12-13).

Sigurado ang pag-asa natin kay Cristo; ito ang langis na kailangan natin para magtiyaga: magpaalalahanan sa isa’t-isa (Tal. 13). Kapag nakakaranas ng pagdududa ang isa, makakatulong sa pagpapalakas ng loob ang iba. Sa tulong ng Dios at sa kalakasang binibigay Niya sa atin na mga anak Niya, maaari nating ihandong sa isa’t-isa ang biyaya ng pagpapalakas ng loob.

Paano ginamit ng Dios ang ibang tao

para palakasin ang loob mo noong

dumaraan ka sa mahirap na sitwasyon?

Paano ka makakatulong palakasin

ang loob ng iba ngayon?

Maibiging Dios, gamitin Mo po ang mga salita at kilos ko para palakasin ang loob ng iba.

Isinulat ni Xochitl Dixon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links