Ilaw Na Para Sa Pasko

·

·

Ilaw Na Para Sa Pasko

Basahin: Exodus 3:4–10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Ezekiel 45–46; 1 Juan 2

Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga Egipcio ang Aking bayan… Kaya’t bumaba Ako upang sila’y iligtas.” — Exodus 3:7–8 MBB

Sa paningin ko, tila umaapoy ang Christmas tree – hindi dahil sa karaniwang pampailaw, kundi dahil sa totoong apoy. Naimbitahan ako kasama ang buong pamilya ko sa isang pagdiriwang ng kaibigan ko na tinatawag na tradisyong altdeutsche o ‘ang dating paraan ng Aleman’ na may mga tradisyunal na panghimagas at punong pangpasko na totoong kandila ang ginagamit pampailaw. (Para maging ligtas ang lugar, isang gabi lang may pailaw ang puno.)

Habang nakatingin ako sa punong tila nasusunog, naalala ko ang tagpo ni Moises at ng Dios sa isang mababang punong kahoy. Nag-aalaga ng mga tupa si Moises sa ilang at nagulat siya sa nakita: isang mababang punong kahoy na umaapoy pero hindi naman nasusunog. Nilapitan niya ito para suriin nang tinawag siya ng Dios mula sa punongkahoy. Pinahayag ng Dios kay Moises, nakita ng Dios ang paghihirap ng mga Israelita na inaalipin sa Egipto “kaya’t bumaba Ako upang sila’y iligtas” (Exodus 3:8).

Kailangan rin ng sangkatauhan na iligtas siya ng Dios – ‘di lang sa pisikal na paghihirap kundi pati na rin sa epekto ng kasamaan at kamatayan na nararanasan natin sa mundo.

Makalipas ang ilang daang taon, tumugon ang Dios at pinadala Niya ang Liwanag – ang Kanyang Anak na si Jesus (Juan 1:9-10), isinugo “hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya” (Juan 3:17).

Paano mo ipagdiwang ang pagkakaloob ng Dios

ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus?

Ano pang ibang tradisyon

ang nagtuturo sa’yo sa Kanya?

Dios Ama sa langit, salamat po sa pagpapadala Mo kay Jesus, ang Liwanag ng sanlibutan.

Isinulat ni Lisa M. Samra

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links