Church of Christ at San Antonio

NASA KANYANG KAMAY

·

·

NASA KANYANG KAMAY

Basahin: JOB 38:4–21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOEL 1–3; PAHAYAG 5

Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag, at ang kadiliman, saan ba ito nagbubuhat? — ᴊᴏʙ 38:19 ᴍʙʙ

Ginampanan ng aktor na si William Shatner ang katauhan ni Captain Kirk sa Star Trek na isang palabas sa telebisyon. Pero hindi siya handa para sa tunay na paglalakbay sa kalawakan. Nilarawan niya ang kanyang labing-isang minutong sub-orbital na paglipad sa kalawakan na “pinakamalalim na karanasang puwede kong maranasan.” Paglapag muli sa lupa, lumabas siya ng rocketship at sinabing, “ang makitang dumaan palayo ang kulay asul at sa kulay itim ka na lang nakatingin… Sa baba makikita mo ang asul at sa taas naman, nakatitig ka lang sa itim.” Dagdag niya, “Ang ganda ng kulay pero manipis lang ito. Isang saglit lang nalampasan mo na.”

Parang asul na tuldok na napapalibutan ng mawalak na dilim ang planeta natin. Nakakabagabag. Sabi ni Shatner na parang paglipad tungong kamatayan ang paglalakbay sa asul na himpapawid tungo sa dilim ng kalawakan. “Sa isang kisap mata air jordan 3 black cement 2024, mapapasigaw ka ng “Waaaah, kamatayan!” Iyon ang nakita ko. Malalim na karanasan ito para sa akin nike dunk duck olive garden ohio city cleveland, Жилетка, жилетка nike — цена 2000 грн в каталоге Жилетки ✓ Купить мужские вещи по доступной цене на Шафе, осанка жилетка , Украина #131833407. Hindi kapani-paniwala.”

Nilalagay ng paglalakbay ni Shatner ang buhay natin sa mas malinaw na pananaw. Maliit lang tayo sa kalawakan pero iniibig tayo ng Lumikha ng liwanag at nagbukod sa liwanag at dilim (ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 1:3-4). Alam ng Ama kung saan nagbubuhat ang kadiliman at ang landas ng tinutuluyan nito (ᴊᴏʙ 38:19-20). Nilikha Niya ang mundo at “noong umagang iyon, ang mga bitui’y nag-aawitan” (ᴛᴀʟ. 4-7).

Ipagkatiwala natin ang ating buhay sa Dios na hawak ang buong sansinukob sa Kanyang kamay.

Dios Ama, pinapamahalaan Mo ang mundo

at lahat ng nasa labas nito. Nagtitiwala ako sa

makapangyarihan Mong pag-ibig.

Ano ang naiisip mo ‘pag naaalala mo ang lawak ng kalawakan? Ano ang inihahayag tungkol sa Dios ng kalangitan sa gabi?

Isinulat ni Mike Wittmer

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *