PAMANA NG PANANAMPALATAYA

·

·

PAMANA NG PANANAMPALATAYA

Basahin: 2 TIMOTEO 1:3–5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: AMOS 4-6; PAHAYAG 7

Hindi ko nalilimutan ang tapat mong pananampalataya, na naunang tinaglay ng iyong lolang si Loida at ni Eunice na iyong ina. – 2 TIMOTEO 1:5

Noong 2019, may pagsasaliksik sa pamanang espirituwal ng mga sumasampalataya kay Jesus sa Amerika. Ang resulta: may malaking impluwensya ang nanay at lola sa espirituwal na paglago. Sabi ng halos dalawa sa tatlo na namana nila ang pananampalataya mula sa ina. Sabi ng isa sa tatlo, malaki rin ang tulong nina lolo’t lola (kadalasan, ni lola).

Sabi ng patnugot ng ulat, “paulit-ulit nakikita sa pag-aaral na ito ang pangmatagalang epekto ng nanay sa… paglago sa espiritu.” Makikita rin natin ito sa Biblia.

Sa sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo, kinilala ni Pablo na naging modelo kay Timoteo ang pananampalataya ng Lola Loida at nanay Eunice niya (2 TIMOTEO 1:5). Isa itong nakakatuwang personal na detalyeng nagbigay-diin sa epekto ng dalawang babae sa isa sa mga pinuno ng sinaunang simbahan. Makikita rin ang impluwensya nila sa payo ni Pablo kay Timoteo: “Magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo… Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan (3:14-15).

Mahalagang regalo ang pamanang espirituwal. Pero kahit na kulang ng positibong impluwensyang humulma kay Timoteo ang pagpapalaki sa atin, malamang mayroong ibang nagbigay sa atin ng malalim na impluwensyang nakatulong sa paglagong espirituwal natin. Ang pinakamahalaga, may pagkakataon tayong maging halimbawa ng tapat na pananampalataya sa mga nasa paligid natin, at maaari tayong makapag-iwan ng matibay at mahalagang pamana.

Sino ang naging mahalagang impluwensya sa’yo

sa paglago ng iyong espiritu?

Paano ka puwedeng makatulong sa iba?

Salamat po, Dios Ama, sa mga naging halimbawa sa akin ng totoong pananampalataya.

Isinulat ni Lisa M. Samra

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links