WALANG PAGSUMPA
Basahin: BILANG 24:10–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: MICAS 1–3; PAHAYAG 11
Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin, sa lahi ni Israel ay may maghahari rin. – BILANG 24:17 ᴍʙʙ
Bihasa sa pang-iinsulto si William Shakespeare, isang “katangiang” pinakinabangan ng aktor na si Barry Kraft sa libro niyang naglalaman ng mga insultong hango sa mga dula ni Shakespeare, ang Shakespeare Insult Generator.
Katuwaan lang ang masayang libro ni Kraft. Pero may dating hari ang Moab na sinubukang magbayad ng misteryosong propeta hindi lang para insultuhin ang mga Israelita kundi para isumpa sila. Sabi ni Haring Balac sa Propetang si Balaam, “Magpunta ka agad dito at sumpain mo sila” (BILANG 22:6). Pero nagalit ang hari dahil sa halip na isumpa, paulit-ulit niyang binasbasan ang mga ito (24:10). Isa ang propesiyang ito sa mga basbas: “Mayroon adidas i 5923 clear yellow green color sheet music akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap, nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap” (24:17). Malinaw na wala pa sa eksena ang tinutukoy ng propeta. Sino ito? May palatandaan sa susunod na linya. “Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin, sa lahi ni Israel ay may maghahari rin” (TAL. 17). Makalipas ang maraming taon, gagabayan ng “bituin” ang mga pantas tungo sa batang ipinangako (MATEO 2:1-2).
Panginoong Jesus, bigyan Mo po ako ng matang nakakakita sa pagkilos Mo sa lahat ng mga bagay.
Isang sinaunang propetang taga Mesopotamia na walang kaalam-alam tungkol kay Jesus ang nagturo sa mundo sa tanda sa hinaharap na nagpapahayag ng pagdating Niya. Mula sa hindi inaasahang pinagmulan – hindi pagsumpa, kundi pagbasbas.
Paano nakakatulong ang Mga
Bilang 24 para makita air jordan 13 black flint sa ibang paraan
ang kuwento ng Pasko? Paano
nito mababago ang reaksiyon mo
‘pag nakakakita ka ng taong kontra sa gawain ng Dios?
Panginoong Jesus, bigyan Mo po ako ng matang nakakakita sa pagkilos Mo sa lahat ng mga bagay.
Isinulat ni Tim Gustafson
Leave a Reply