MANAHAN SA PILING NG DIOS

·

·

MANAHAN SA PILING NG DIOS

Basahin: SALMO 91:1−2,14−16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: LEVITICUS 8-10; MATEO 25:31–46

Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan. – SALMO 91:2

Isang gabi, habang nag-jojogging malapit sa isang gusali, nakita ko ang isang payat at maruming pusa. Hindi ko napansin na sinundan pala ako ng pusa hanggang makauwi ako sa bahay. Ngayon, malusog nang pusa si Mickey. Kaya palagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing napapadaan ako kung saan ko natagpuan si Mickey. Mayroon na siyang tahanan ngayon.

Mababasa naman natin sa Salmo 91 ang tungkol sa kung anong matatanggap ng “sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios” (TAL. 1). Sa Hebreo, nangangahulugan ang salitang “nananahan” ng “pananatili.” Kung mananatili tayo sa Dios, tutulungan Niya tayong mamuhay nang ayon sa Kanyang kaalaman. Gayundin, na mapanatili ang ating pag-ibig sa Kanya higit kaninuman (TAL. 14; JUAN 15:10). Ipinangako ng Dios na magkakaroon tayo ng kaginhawaan sa piling Niya magpakailanman. Gayundin ang kaalamang kasama natin Siya sa lahat ng ating pagsubok sa buhay dito sa lupa. Kaya kahit na dumating ang mga problema sa atin, manahan tayo sa Kanyang kaluwalhatian, karunungan, pag-ibig, at pangakong pagsama at pagliligtas.

Sa ating pananahan sa Dios, kakalingain tayo sa “lilim ng Makapangyarihan sa lahat” (SALMO 91:1 ABAB). Walang anumang problema ang tatalo sa atin. Ito ang kaligtasan sa pananahan natin sa Kanya.

Ama naming nasa Langit, salamat po sa tahanang natagpuan ko sa piling Ninyo.

Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng manahan sa Dios? Magbabago ba ang iyong pagtugon sa problema kung pipiliin mong manahan sa piling ng Makapangyarihan sa lahat?

Isinulat ni Karen Huang

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links