MAGBAGONG BUHAY

·

·

MAGBAGONG BUHAY

Basahin: 2 CRONICA 7:11–16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: LEVITICUS 25; MARCOS 1:23–45

Kung ang mga mamamayan Ko…ay magpakumbaba…diringgin Ko sila mula sa langit. – 2 CRONICA 7:14

Mayroong isang maliit na bayan sa Australia kung saan nakatira ang pitong tribo ng mga katutubo, ang Aurukun. Ilang siglo na rin ang nakakaraan nang ibahagi rito ang Magandang Balita. Ngunit paminsan-minsan, ginagamit pa rin nila ang mata sa matang paraan bilang kabayaran sa pagkakasala. Kaya naman, nagkaroon ng tensyon nang mayroong pinatay noong 2015.

Ngunit isang nakamamanghang pangyayari ang naganap noong 2016. Nagsimula ang mga taga-Aurukun na manalangin sa Dios. Pagkatapos, nagsisi sila at sabay-sabay na nagpabautismo. Nagbagong-buhay ang kanilang bayan. Naging masaya ang lahat ng tao. Pinatawad na rin ng namatayang pamilya ang taong nagkasala. Kalaunan, isang libong katao na ang palaging nagsisimba tuwing Linggo.

Marami tayong mababasang ganitong pagbabago sa buhay sa Biblia. Noong panahon ni Hezekia, nagbalik ang mga tao sa Dios (2 ᴄʀᴏɴɪᴄᴀ 30). Noong araw naman ng Pentecostes, libu-libo ang nagsisi (ɢᴀᴡᴀ 2:38-47). Alam naman natin na ang Dios ang may gawa sa mga pagbabagong ito. Kailangan lamang nating manalangin. Sinabi ng Dios, “kung ang mga mamamayan Ko… ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa Akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan,…patatawarin Ko ang kanilang kasalanan, at pagpapalain ang kanilang lupain” (2 ᴄʀᴏɴɪᴄᴀ 7:14).

Tulad ng natagpuan ng mga taga-Aurukun, ang pagbabagong buhay nila ang nagdala ng saya at kapatawaran sa kanilang bayan. Ama, baguhin Mo rin po kami.

Ama naming mapagmahal, baguhin po Ninyo ang aming bayan. Simulan po Ninyo ito sa akin.

Paano ka tutugon sa Dios para maipaabot ang pagbabago?

Isinulat ni Sheridan Voysey 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links