ARAW NG PAGPAPAKUMBABA
Basahin: FILIPOS 2:1–11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: BILANG 4-6; MARCOS 4:1–20
Nagpakumbaba Siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. – ꜰɪʟɪᴘᴏꜱ 2:8
Natutuwa ako sa mga kakaibang pagdiriwang na naiisip ng tao. Mayroong Araw ng mga Manlulunok ng Espada, Araw ng Pagpapahalaga sa Tinapay ng Aso, at marami pang iba. Ngayon naman ang Araw ng Pagiging Mapagkumbaba. Isang magandang katangian ang pagiging mapagkumbaba at dapat lang na ipagdiwang. Ngunit hindi ganito ang pangyayari noon.
Dati, itinuturing na kahinaan ang magpakumbaba; mas pinapahalagahan ang pagkakaroon ng karangalan. Karaniwan noon na ipagmalaki ang anumang karangalang nagawa o natanggap ng isang tao. Palagi ring ninanais ng lahat na itaas ang kanilang katayuan sa buhay. Dati, kung mapagkumbaba ka, mababa ka. Isa kang alipin. Ngunit nagbago ang lahat nang ipako si Jesus sa krus. Ipinakita Niya na “kahit na nasa Kanya ang katangian ng Dios,” tinalikuran Niya ang pagiging Dios upang maging “alipin” at nagpakumbaba Siya upang mamatay para sa iba (ꜰɪʟɪᴘᴏꜱ 2:6-8). Dahil sa Kanyang ginawa, nagbago ang pananaw sa pagpapakumbaba. Itinuring itong isang magandang katangian.
Sapagkat hindi magiging “mabuti” ang magpakumbaba kung hindi dahil kay Jesus.
Kaya sa panahon natin ngayon, sa tuwing pinupuri tayo sa ating pagpapakumbaba, naibabahagi natin ang Magandang Balita sa iba. Sapagkat hindi magiging “mabuti” ang magpakumbaba kung hindi dahil kay Jesus, at hindi rin natin ipagdiriwang ang araw na ito.
Pinupuri po Kita, Jesus, sa Inyong pagiging mapagpakumbaba. Bilang aking tugon, ninanais ko rin po na magpakumbaba sa Inyo ngayon.
Ano ang itsura ng mundo kung isa pa ring kahinaan ang magpakumbaba? Saan mo maaaring gawin ngayon ang pagiging mapagkumbaba gaya ni Jesus?
Isinulat ni Sheridan Voysey
Leave a Reply