TUBIG NA NAGBIBIGAY-BUHAY

·

·

TUBIG NA NAGBIBIGAY-BUHAY

Basahin: JUAN 4:4–14 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: BILANG 7-8; MARCOS 4:21–41

Ikaw ang hihingi sa Kanya at bibigyan ka naman Niya ng tubig na nagbibigay-buhay. – ᴊᴜᴀɴ 4:10

Hindi naging maganda ang buhay ni Andrea sa kanilang tahanan. Kaya noong labing-apat na taon na siya, umalis siya at nanirahan sa kanyang mga kaibigan. Sumama rin siya sa isang lalaki sa pag-asang mahanap ang pagmamahal at pagkilala. Ngunit hindi niya natagpuan ito. Kaya, patuloy niyang hinanap ang pagmamahal at pagkilala ng iba. Hindi naman nagtagal, nakilala niya ang mga taong nagtitiwala kay Jesus. Ipinagdasal siya ng mga ito. Ilang buwan ang lumipas, natagpuan na niya ang tanging makapapawi ng kanyang uhaw sa pag-ibig—si Jesus.

Napawi rin ang uhaw ng babaeng taga-Smaaria nang lapitan siya ni Jesus sa balon para humingi ng tubig. Naroon siya sa kainitan ng panahon (ᴊᴜᴀɴ 4:5-7). Marahil para makaiwas na rin sa titig at pag-uusap ng ibang mga babae na nakakaalam ng kanyang pakikiapid (ᴛᴀʟ. 17-18). Bilang isang Judio, alam ni Jesus na hindi Niya maaaring kausapin ang babae. Ngunit dahil nais Niyang bigyan ang babae ng tubig na nagbibigay buhay (ᴛᴀʟ. 10), ginawa pa rin Niya ito. Nais Niyang pawiin ang uhaw ng babae.

Sa ating pagtanggap kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, iniinom natin ang tubig na nagbibigay buhay. Pagkatapos, maaari na natin itong ibahagi sa iba at anyayahan sila na sundin si Jesus.

Dios Ama, tinatanggap po Ninyo ang lahat ng nauuhaw upang lumapit sa Iyo at uminom. Pawiin po nawa Ninyo ang aking pagkauhaw sa pagbibigay ng Inyong tubig na nagbibigay-buhay.

Ano sa iyong palagay ang naramdaman ng babae nang humingi sa kanya si Jesus ng tubig? Ano naman ang ibig sabihin para iyo ng pagtanggap ng Kanyang tubig na nagbibigay-buhay?

Isinulat ni Amy Boucher Pye 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links