BUKAL
Basahin: SALMO 1 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: BILANG 23-25; MARCOS 7:14–37
Mapalad ang taong…[sumusunod] sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan. – ꜱᴀʟᴍᴏ 1:1–2
Nag-safari sa Kenya sina Andrew at kanyang pamilya. Di tulad sa zoo, nasaksihan nila sa safari ang mga hayop sa kanilang totoong tirahan sa kalikasan. Doon, nakita nilang dumayo ang maraming hayop sa isang maliit na lawang nagbibigay-buhay sa tuyong kalupaan. Habang pinagmamasdan iyon ni Andrew, naisip niyang ang “Biblia ay tulad ng isang bukal na pinagkukunan ng tubig.” Hindi lamang nagbibigay ng gabay at karunungan ang Biblia. Maaari rin itong pumawi ng uhaw ng sinuman.
Kahawig ang obserbasyong ito ni Andrew ng sinabi ng salmista. Tinawag niyang “mapalad” ang mga taong nalulugod at nagbubulay-bulay sa batas ng Dios—isang terminong ginamit sa Lumang Tipan upang ilarawan ang Kanyang mga aral at utos. Ang mga nagbubulay-bulay sa mga Kasulatan ay “tulad ng punongkahoy na itinanim sa tabi ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kapanahunan nito” (ꜱᴀʟᴍᴏ 1:3). Kung paanong nagpapakalalim sa lupa ang mga ugat ng puno upang hanapin jordan 12 twst – Mortimer Jordan Blue Devils kobe air jordan 3 8 white pack (Morris, AL) Roster, High School On Cheap Onlinenevada Jordan Outlet ang tubig, gayundin ang mga taong tunay na nagtitiwala at nagmamahal sa Dios. Nag-uugat sila nang malalim sa Salita ng Dios upang makuha ang lakas na kanilang kailangan.
Mag-ugat tayo nang malalim sa Salita ng Dios upang makuha natin ang lakas na ating kailangan.
Kapag isinuko natin ang ating sarili sa Kanyang karunungan, mananatiling nakaugat sa Kanya ang ating pundasyon; hindi tayo magiging “tulad ng ipa na tinatangay ng hangin” (ᴛᴀʟ. 4). Sa pagninilay-nilay natin sa mga kaloob ng Dios sa Biblia, makakamtan natin ang nutrisyong magbubunga ng pangmatagalang mga bunga sa ating buhay.
Mapagmahal na Dios, tulungan Mo po akong pahalagahan ang Iyong best nike running shoes Salita nang may pasasalamat at pagkamangha.
Paano nagbibigay ng pundasyon ang Biblia sa iyong pamumuhay?
Isinulat ni Amy Boucher Pye
Comments (0)