Church of Christ at San Antonio

MAG-ISA LANG

·

·

MAG-ISA LANG

Basahin: Genesis 21:9–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Deuteronomio 1–2; MARCOS 10:1–31

Narinig ng Dios ang iyak ng bata. – ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 21:17

Nakita ni Sue ang unti-unting pagkawasak ng kanyang pamilya. Bigla siyang iniwan ng kanyang asawa, kaya litong-lito at puno siya ng galit. Nakiusap siya sa kanyang asawa na sumama sa counseling, ngunit tumanggi ito. Si Sue naman daw kasi ang may problema. Nang mapagtanto ni Sue na baka hindi na bumalik ang asawa niya, nakaramdam siya ng takot at kawalan ng pag-asa. Kaya ba niyang buhayin ang sarili NovogasShops – las jordan lifestyle graphic duffel – Air las jordan Retro 6 'Jungle Tiger' Customs by V.A.B. at mga anak nang mag-isa?

Ganito rin naman ang naramdaman ni Hagar, ang alipin nina air jordan 3 black cement 2024 Abraham at Sara. Nainip sina Abraham at Sara sa pangako ng Dios na magbigyan ng anak. Ibinigay ni Sara si Hagar kay Abraham, at ipinanganak ni Hagar si Ishmael (ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 16:1–4, 15). Kinalaunan, tinupad ng Dios ang pangako Niya at ipinanganak ni Sara si Isaac. Nagkaroon ng tensiyon sa pamilya, kaya pinaalis ni Abraham si Hagar kasama si Ishmael. Binigyan niya lamang ito ng kaunting pagkain at tubig (ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 21:8–21). Isipin mo ang desperasyon ni Hagar habang nauubos na ang kanilang pagkain at tubig. Hindi alam ang gagawin, inilagay niya si Ishmael sa ilalim ng isang palumpong at lumayo para hindi makita ang anak na mamatay. Pareho silang nagsimulang umiyak. Ngunit “narinig ng Dios ang iyak ng bata” (ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 21:17). Narinig sila ng Dios, ibinigay ang kanilang mga pangangailangan, at hindi sila iniwan.

Sa mga panahon ng desperasyon, kapag pakiramdam natin ay nag-iisa lamang tayo, tumawag tayo sa Dios. Nakakagaan ng pakiramdam na malamang sa mga ganitong pagkakataon, at sa buong buhay natin, naririnig Niya tayo, tinutugunan Niya ang ating mga pangangailangan, at nananatiling malapit sa atin.

Dios Ama, maraming salamat po na hindi talaga ako nag-iisa kailanman. Tulungan Mo po ako sa aking mga oras ng desperasyon.

Paano ka pinagkalooban ng Dios sa mga pagkakataong naramdaman mong nag-iisa ka? Paano ka tumugon sa Kanya?

Isinulat ni Anne Cetas

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *