Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

KAIBIGAN AT KAAWAY

·

·

KAIBIGAN AT KAAWAY

Basahin: Roma 12:17–21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Deuteronomio 17-19; Marcos 13:1–20

Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. – ʀᴏᴍᴀ 12:18

Isinalaysay ng iskolar na si Kenneth E. Bailey ang tungkol sa pinuno ng isang bansa sa Africa. Sinikap ng pinunong ito na magkaroon ng maayos na relasyon sa bansang Israel at maging sa mga bansang nakapaligid dito. Nang tanungin kung paano nila napapanatili ang balanseng ito, sumagot siya, “Pumipili kami ng aming mga kaibigan. Pero hindi namin hinihikayat ang aming mga kaibigan na pumili ng aming kaaway.”

Matalino at talagang praktikal ang sagot na iyon. Hinihikayat naman ni Apostol Pablo ang kanyang mga mambabasa na isapamuhay ang ganoong klaseng relasyon. Sa kalagitnaan ng mahahabang paglalarawan ng mga katangian ng isang buhay na binago ni Cristo, sinabi Mag whites маг уайтс магній 500 мг 60 табл єгипет — цена 545 грн в каталоге Биологически активные вещества ✓ Купить товары для красоты и здоровья по доступной цене на Шафе , Украина #153368005 ni Pablo, “Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao” (ʀᴏᴍᴀ 12:18). Ipinaalala pa ni Pablo na pakitunguhan din nang maganda maging ang kanilang mga kaaway (ᴛᴀʟ. 20–21). Sumasalamin sa ating pagtitiwala at pagdepende sa Dios ang pakikitungo natin sa iba.

Maaaring imposibleng magkaroon tayo ng mapayapang pakikitungo sa lahat ng tao at sa lahat ng pagkakataon. Ngunit responsibilidad natin bilang mga nagtitiwala kay Jesus na hayaan ang Kanyang karunungang gumabay sa ating pamumuhay (ꜱᴀɴᴛɪᴀɢᴏ 3:17–18). Sa gayon, magawa nating makisalamuha sa mga tao sa paligid natin bilang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan (ᴍᴀᴛᴇᴏ 5:9). Hindi ba’t iyon ang mainam na paraan upang parangalan ang Prinsipe ng Kapayapaan?

Mapagmahal na Dios, ako po noon ay Iyong kaaway, ngunit tinawag Mo po akong kaibigan. Bigyan Mo po ako ng kakayahang maipahayag sa iba ang Iyong kagandahang-loob.

Paano makakatulong ang pagiging isang tagapagpayapang nagpapakita ir jordan 4 tour yellow 200 ng kagandahang-loob?

Isinulat ni Bill Crowder

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *